April 7, 2022

Pagmimina

BFF Arfadzweena Aguel, BS Forestry, Western Philippines University

Lahat tayo nararanasan kung paano gumanti ang kalikasan mula sa gawain o aktibidad na siya ring pagkaunlad ng industriya at paglago ng ekonomiya. Isa sa mga aktibidad na ito ayang pagmimina, ang paraan ng pangunguha ng yamang mineral. Kabilang din dito ay ang pagpuputol ng mga puno o unti-unting pagkaubos nang kagubatan na dahilan ng pagbaha na ang kinalalabasan aysakunang, pagguho ng lupa. Ang mga lugar na kadalasang nakararanas nito ay mayaman sa pinagkukunan ng yamang mineral. Kasama na rito ay ang Pilipinas — isa sa mga bansang mayaman sa mineral na siya ring madalas makaranas ng kasakunaan. Ang pagmimina ay may positibo at negatibo na epektong binibigay sa kalikasan at sa mga nabubuhay rito, at ang kailangan nating gawin ay maging sensitibo sa mga gawaing pangkapaligiran. Tandaan na hindi lang tao ang maaapektuhan kundi pati ang mga inosenting hayop at mga halaman na atin ding pinagkukunan ng pagkain at kayamanan.

Bakit nga ba kailangan nating mangialam sa mga ganitong sitwasyon? Ang benepisyong nakukuha natin dito ay hindi biro. Sa makamundong eksplinasyon, ang mga puno ang dahilan kung bakit posibleng nabubuhay tayo sa mundo. Sa bawat paghinga, ating nakukuha ang pangunahing pangangailangan upang mabuhay.

Isa sa mga aktibidad ay ang pagkakawari na kasalukuyang ginagawa o nangyayari sa aming lugar. Makikita ang malaking pagbabago sa mga nagdaang taon, mula sa paghuhukay ay nadadamay ang mga punong nakapaligid rito, tirahan ng mga hayop ay unti-unting nadadamay at nawawala. Bawat pagwasak nito ay siya ring pagwasak ng buhay na naninirahan dito, lalo na sa mga mababang antas na lugar na naninirahan sa tabing ilog at dagat, na naaabot ang kanilang tirahan at nauuwi sa pagkasira nito, gayon din sa mga kagamitang kailangan para sa kanilang panghanap buhay. Sa sobra sobrang paghuhukay ng lupa rito, nararapat lamang na aksyunan ang mga maling gawain at ipagbigay alam sa mga nakatataas at sa mga nangungunang nangangasiwa sa pangkapaligiran.

May mga lugar na pinagkukunan ng mga yamang mineral para sa proyektong ninanais na ipalago o sa mga asignaturang gustong ipaangat sa ibang lugar. Maaaring lahat tayo ay makakabenipisyo rito, ngunit buksan din natin ang ating kaisipan sa mga taong maaapektuhan nito at ang mga taong naninirahan kung saan nangyayari ang mga aktibidad na ito. Ang bawat pagkitil ng yamang kalikasan ay siya ring pagkitil ng hanap-buhay at mismong buhay ng tao. 

Bilang kabataan na nakasasaksi at nakararanas ng ganti ng kalikasan, nararapat lamang na bigyang pansin ang pagwasak nito. Bigyang suporta ang mga proyektong ninanais na maisalba ang kalikasan kahit sa simpleng gawain na pagtanim ng halaman at mga puno at huwag maging bulag sa mga tao o proyektong gahaman sa pagkuha ng yamang mineral. Mahalagang may alam tungkol dito upang maipaglaban at ipaintindi sa kanila ang mga bagay na makapagliligtas sa bawat indibidwal at namumuhay na mga hayop, halaman, at iba pang likas na yaman. 

Hindi natin maiiwasan ang panganib, ngunit maaari tayong maging handa upang maiwasan ang sakunang dulot nito. Ang pagtatanim ng mga puno ay walang pinipiling antas at maaaring gawin ng kahit sino. Kung gusto natin ng kaligtasan, pangalagaan ang kalikasan at pairalin ang kasipagan sa gawaing pangkapaligiran. Ating tandaan na ang kalikasan ay kayang mabuhay na wala ang tao, subalit ang tao ay hindi kayang mabuhay na wala ang kalikasan.

Forest Foundation Philippines, in partnership with Edukasyon.ph, its grantee,  implemented the Best Friends of the Forest Movement (#BFFMovement) Online Fellowship Program to support young forest advocates in the country's most critical forest landscapes - Sierra Madre, Palawan, Samar and Leyte, and Bukidnon and Misamis Oriental. Through the program, students were given access to learning resources, mentorship opportunities, and platforms to showcase their passion projects. This published material is a passion project of our Best Friend of the Forest. The views and opinions expressed in this material are those of our Best Friend, and do not necessarily reflect the views and opinions of Forest Foundation Philippines and Edukasyon.ph. Furthermore, both Forest Foundation Philippines and Edukasyon.ph assume no liability or responsibility for any inaccurate or incomplete information presented in this material.

Share:

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn