BACUNGAN, Puerto Princesa City – Habang lumalala ang pagbabago ng klima, ang mga epekto nito katulad ng mas mahabang mga tagtuyo, ito ay inaasahan na magdudulot ng mga kakulangan sa suplay ng tubig, partikular sa mga komunidad na walang matinong water source.
Sa Puerto Princesa, ang lumo-lobong pangangailangan sa tubig at ang ini-asahang patuloy na pagbabago ng klima ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagmamadaling mag-diversify at magpalawak ng pinagkukunan ng tubig ang local water utility.
Isa sa mga bagong pinagkukunan ng tubig sa Puerto Princesa ay matatagpuan sa community-based forest management (CBFM) area na pinamamahalaan ng Candes III Marketing Cooperative (C3MC). Ayon sa chairman ng CBFM na si Joel Germina, ipinagmamalaki nila na ang kagubatan na kanilang inaalagaan sa mahabang panahon, ngayon ay nabibigay na ng suplay ng tubig para sa mga barangay sa hilagang-silangan ng Puerto Princesa.
“Mayroon naman kaming falls na nandoon sa taas, kaso lang kinuha sya ng [Puerto Princesa City] Water District para magamit yung tubig dito sa kabayanan, sa Barangay, pati yung city tumulong din na para magkaroon ng patubig papunta ng Barangay Bacungan, kasi yung barangay medyo naghihikahos nga ngayon sa tubig” said Germina.
Ang C3MC ay isang community-based cooperative nan aka-sentro sa mga gawain na may kaugnayan sa gawaing pang-kabuhayan, lalo na sa produksyon at pagkalakal ng mga rattan poles at iba pang rattan-based handicrafts. Pinamamahalaan ng kooperatiba ang isang CBFM site na sumasaklaw sa mahigit 463 ektarya ng kagubatan sa Barangay Bacungan, isang rural barangay na matatagpuan sa gitnang bahagi ng Puerto Princesa.
Ang kooperatiba ay naniniwala sa kahalagahan ng CBFM para sa pag-konserba ng kalikasan at sustenableng pamamahala ng kagubatan. Ang kooperatiba ay gumagawa din ng hakbang upang ibalik at panatilihin ang kagubatan upang maprotektahan ang watershed at iba pang likas na yaman na matatagpuan sa lugar na ito, bagaman ang mga aksyon na ito ay minsan hindi paborable sa ilang miyembro ng komunidad, partikular na sa mga nagsasagawa ng ilegal na gawain sa kagubatan.
“[Naging] kaaway kami ng community, since kasi na-approve yung CBFM, yung mga tao dito, halos yung kanilang livelihood, hanapbuhay ay nasa gubat. Nung na-approve yung CBFM, alam natin yung batas, bawal na yung pagbabawas ng mga puno, ang kailangan natin i-rehab or i-maintain yung dati” sabi Nene Camacho, ang project manager ng kooperatiba.
Ang C3MC ay isa sa maraming asosasyon na nagging partner ng ASSERT-CBFM project sa probinsya ng Palawan. Sa simula ng pakikipagtulungan ng kooperatiba sa ASSERT-CBFM project, mayroon silang mga plano na palawakin ang operasyon ng kooperatiba, lalo na sa industriya ng rattan. Nagbigay ng pinansyal na suporta ang ASSERT-CBFM project para sa pagproseso ng Community Resource Management Framework (CRMF) at Resource Use Permit (RUP) ng kooperatiba. Binigyang-diin ni Nene Camacho kung gaano kahalaga ang pinansyal na tulong mula sa ASSERT-CBFM sa pagproseso ng kanilang CRMF.
“Nagka-utang-utang kami para lang ma-approve yung CRMF namin, kaya nagsulat kami sa ASSERT-[CBFM] na i-allocate namin yung budget [na binigay] kung pwede kasi wala nang kami mapagkuhaan ng pera. Pinayagan naman kami na i-allocate namin yung pera, binayad namin doon sa inventory para doon sa rattan inventory na para ma-process na” said Camacho.
Gayunpaman, sa hindi inaasahang pagkakataon, naantala ang pag-apruba ng CRMF ng kooperatiba na nagresulta sa mabagal ng progreso ng proyekto, na nagdulot ng pagkadismaya sa mga miyembro ng kooperatiba. Nagpahayag ng pagkadismaya si Chairman Germina na ang tulong mula sa ASSERT-CBFM, na inilaan upang suportahan ang kanilang proyekto, ay naantala ng mga balakid na para sa kanya ay dulot ng byurokrasya.
“Binigyan kami ng kaunting tulong para maaayos yung mga papelis na kinakailangan namin para sa project namin sa rattan. Ngayon, yung aming papers na kailangan, yung permit namin yung aming CRMF ang tagal talaga bago lumabas” said Germina.
Idinagdag din ni Camacho na ang warehouse na kanilang itinayo na may suporta mula sa ASSERT-CBFM upang mapalakas ang kanilang industriya ng rattan ay lubhang nasira na ngunit hindi pa rin ginagamit dahil hindi pa sila pinapayagan na mag-ani ng rattan mula sa kanilang CBFM dahil sa kakulangan ng mga permit.
“Ang problema, ang bodega, matagal na nakatayo, magbubulok na lang, wala pang ratan. Kasi wala pang, hindi pa-approve yung aming CRMF.”
Bagaman may mga pagsubok, nananatili ang C3MC na tapat sa mga layunin ng kanilang CBFM na pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng sustenableng hanapbuhay. Sa pagiging aktibo sa paghahanap ng mga solusyon at pagbuo ng mga partnerships, layunin ng kooperatiba na mapalakas ang kanilang mga estratehiya at paramihin ang kanilang mga pinagkukunan ng kabuhayan.
Ang kuwento ng C3MC ay nagpapakita ng pangangailangan pagbabago ng mga proseso upang tiyakin ang maagap at epektibong suporta para sa mga komunidad na tumutugon sa mga pangangailngan ng kalikasan at ng komunidad. Sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagtutulungan at mga mas mainam na proseso, ang C3MC ay may mas malawak na potensyal na magdulot ng positibong pagbabago, hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa kanilang komunidad.