Deadline ng Pagpasa: July 4, 2025
I. Kaligiran at mga Layunin
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa buong mundo na pinaka-nanganganib dahil sa pagbabago ng klima. Matatagpuan sa typhoon belt at ring of fire sa Karagatang Pasipiko, ang bansa ay madaling tamaan ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, mga bagyo, tagtuyot, at pagguho ng lupa. Upang ito’y masuong at hindi matinag sa harap ng krisis sa klima, kailangang patuloy na palakasin ng Pilipinas ang kakayahan nitong maging matatag sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng isang komprehensibong pamaraan kabilang ang mga estratehiya para sa pag-iibsan at pag-aangkop sa epekto ng nagbabagong klima.
Ang pag-angkop sa pagbabago ng klima ay pangunahing kailangan upang baguhin ang takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino at maglatag ng landas patungo sa pagpapatibay ng katatagan at pagkamit ng likas kayang pag-unlad. Ang mga pagsisikap tungo sa adaptasyon ay dapat na nakabatay sa pagpapabuti ng malawakang pag-unawa sa mga epekto ng klima, pagpapalakas ng kapasidad para sa pag-angkop sa klima, pagpapatibay sa suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng mga polisiya at iba pang tulong, at pagtitiyak sa pakikilahok ng lahat sa paggawa ng desisyon, lalo na ng mga kababaihan at lokal na komunidad.
Sa konteksto ng mga hamon sa pag-unlad ng isang bansang mayaman sa saribuhay, ang Forest Foundation Philippines (“Forest Foundation” o “the Foundation”), sa tulong ng pondo mula sa Pamahalaan ng Canada, ay nagsasagawa ng Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS) (ang “Programa”). Ipatutupad ito mula 2024 – 2028 at nagkakahalaga ng CA $8 Milyon (tinatayang PhP 332 Milyon), ang programa ay nais makapag-aambag sa pagpapalakas ng katatagan ng klima sa mga komunidad, partikular sa mga kanayunan at katutubong kababaihan, habang tinitiyak ang benepisyo ng bawat isa, mula sa likas-yaman at malusog na ekosistema.
Batay sa mga gabay na prinsipyo ng Global Standard for Nature-based Solutions ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), partikular na nilalayon ng programa ang biodiversity conservation (pangangalaga ng saribuhay), climate adaptation (pag-angkop sa pagbabago ng klima), at pagtitiyak ng pagtugon sa iba’t ibang kasarian (gender-responsiveness) sa pamamahala ng likas yaman (natural resource management).
Tinukoy ng programa ang ilang lugar sa Davao de Oro and Davao Oriental (mula rito ay tatawaging ‘Davao’) bilang mga prayoridad. Partikular na pinagtutuunan ng pansin ang Sumlog-Cuabo River Watershed, na may kabuuang laki na 67,762.50 ektarya. Saklaw ng watershed ang apat na munisipalidad sa Davao Oriental, na may lawak na 41.84 ektarya, at dalawang munisipalidad ng Davao de Oro, kabilang ang 30,216.10 ektarya ng Protected Areas (PAs) at Key Biodiversity Areas (KBAs).
Sisiguruhin ng Programa na maisagawa ang mga nature-based solutions, o solusyong nakabatay sa kalikasan, sa mga napiling target na lugar, at na magbunga ang mga ito nang naaayon sa Logic Model ng Programa (Figure 1).
Figure 1. Logic Model ng PCP4NbS
II. Special Fund para sa NbS
Upang suportahan ang masangkot na pagbubuo (participatory development), pagpapatupad, at pagpapaibayo ng mga proyekto ng NbS para sa adaptasyon sa pagbabago ng klima, nagtatag ng isang Special Fund sa ilalim ng programa. Layunin ng Special Fund na:
- Palakasin ang kapasidad ng mga kababaihan at komunidad sa pagbubuo/pagdidisenyo at pagpapatupad ng NbS na may mga benepisyo para sa saribuhay;
- Tiyakin ang pakikilahok ng mga kababaihan at komunidad sa pagtatanggol, pagpapabuti, at pagpapanumbalik ng mga ekosistema at saribuhay; at
- Protektahan at mas mapataas ang saribuhay na nagbibigay ng iba’t ibang produkto at serbisyo mula sa ekosistema.
Ang pagbubuo at pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng Special Fund para sa NbS ay dapat alinsunod sa Results Framework 2023-2027 ng Forest Foundation Philippines, habang pinapalawak ang saklaw nito mula sa sustenableng pamamahala ng kagubatan, hanggang sa ekosistema sa baybayin at dagat (coastal at marine ecosystems), at pagtataguyod ng aksyon pang-klima na nakabatay sa kalikasan (nature-based climate action). Susuporta ang pondo sa mga proyektong maaaring magtatag ng mga pang-malawakang estratehiya na may partisipasyon at koordinasyon, para siguruhin na matutugunan ng Programa ang iba’t ibang pangangailangan sa lokal, habang nag-aambag din sa mga nasyonal na target.
Susuportahan ng Special Fund ang tatlong klase ng grant o pondo para sa mga proyekto: 1) Site-based grants o pondo para sa pagsasagawa ng NbS sa takdang lugar; 2) Thematic grants o pondo para magpakita o mag-demonstrate ng NbS; at 3) Public support grants o pondo para mapanatili ang suporta ng publiko para sa NbS. Ang Request for Proposals na ito ay tungkol sa aplikasyon o proposal para sa Site-based Grants sa Davao.
III. Site-based Grants: Geographic Scope at ang mga Priority Issues
Ito ay isang Request for Proposals para sa NbS sa Davao, kung saan ang mga inisyatibo ay tututok sa Sumlog-Cuabo River Watershed. Ang natukoy na mga lugar ay kinabibilangan ng mga sumusunod na barangay:
Sumlog-Cuabo River Watershed | ||
Banaybanay | Brgy. Cabangcalan Brgy. Caganganan Brgy. Calubihan Brgy. Causwagan Brgy. Mahayag Brgy. Maputi Brgy. Mogbongcogon | Brgy. Panikian Brgy. Piso Proper Brgy. Poblacion Brgy. Punta Linao Brgy. Rang-ay Begy. San Vicente |
City of Mati | Brgy. Culian Brgy. Danao Brgy. Libudon | Brgy. Sainz Brgy. Sanghay Brgy. Taguibo |
Lupon | Brgy. Bagumbayan Brgy. Cabadiangan Brgy. Calapagan Brgy. Cocornon Brgy. Corporacion Brgy. Don Mariano Marcos Brgy. Ilangay Brgy. Langka Brgy. Lantawan Brgy. Limbahan Brgy. Macangao | Brgy. Magsaysay Brgy. Mahayahay Brgy. Maragatas Brgy. Marayag Brgy. New Visayas Brgy. Poblacion Brgy. San Isidro Brgy. San Jose Brgy. Tagboa Brgy. Tagugpo |
Maragusan | Brgy. Bagong Silang | |
Pantukan | Brgy. Araibo Brgy. Las Arenas | Brgy. Napnapan Brgy. Tag-Ugpo |
San Isidro | Brgy. Lapu-lapu Brgy. Manikling | Brgy. San Roque |
Upang matiyak ang pagiging epektibo at kakayahang tumugon ng Programa sa pag-aambag sa mga positibong resulta sa mga natukoy na lugar, isinagawa ang Vulnerability and Risk Assessment (VRA) at Gender-Based Analysis-Plus (GBA Plus). Ang mga pagsusuring ito ay makatutulong sa Programa na makamit ang mga layunin nito kaugnay ng klima, biodiversity, at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng angkop at tumutugon sa kasarian na NbS. Maaaring i-request ang kopya ng buong report.
Ang mga resulta ng mga pagsusuri na nakabuod sa ibaba ay nagbibigay ng batayan para matukoy ang mga pangunahing isyung kailangang tugunan at ang mga interbensyong susuportahan dito.
Mga Tampok sa Vulnerability at Risk Assessment
- Labis na dami ng buhos ng ulan at mababang elebasyon ang mga pangunahing salik na nagpapataas ng panganib sa pagbaha sa Sumlog-Cuabo Watershed. Sa panahon ng pagbaha, ang tubig ay dumadaloy sa mabababang bahagi ng lupa, dahilan upang maging lubhang apektado ang mga barangay na nasa mababang lugar. Dagdag pa rito, dalawang pangunahing daluyan ng tubig na sumasakop sa malaking bahagi ng watershed ay nagtatagpo sa Brgy. Tagugpo sa Lupon, Davao Oriental. Ang tagpuang ito ay nagdudulot ng labis na daloy ng tubig-ulan (runoff) na lumalagpas sa kapasidad ng ilog. Dahil dito, umaagos ang tubig-ulan papunta sa mga kapatagang malapit sa ilog, na direktang nakakaapekto sa mga Brgy. Caganganan, Mogbongcogon, Rang-ay, Poblacion, Calubihan sa Banaybanay, Davao Oriental at ang mga Brgy. Cabadiangan, Langka, Bagumbayan, Poblacion, Corporacion, Limbahan, Ilangay, Macangao, at Cocornon sa Lupon, Davao Oriental. Mataas din ang panganib ng pagbaha sa Cabangcalan, Panikian, Piso Proper, at Causwagan sa Banaybanay, Davao Oriental.
- Ang banta ng pagguho ng lupa dulot ng ulan (Rain-induced Landslides o RiL) ay makikita sa pinagmumulan ng mga ilog sa watershed, partikular sa kabundukan ng Brgy. Calapagan, Don Mariano Marcos, at Marayag sa Lupon, at mga kabundukan sa Brgy. Punta Linao, Maputi, at Mahayag sa Banaybanay. Matatagpuan din ang panganib ng RiL sa kabundukan ng Maragatas, San Isidro, Tagugpo, New Visayas, at Cocornon sa Lupon, gayundin sa mga Brgy. Sanghay, Culian, Sainz, at Taguibo sa Lungsod ng Mati. Kaunti lamang ang panganib ng RiL sa mga kapatagang malapit sa ilog dahil sa mababa at patag na elebasyon ng mga ito.
- Nahaharap sa mas mataas na panganib ng storm surge (daluyong sa dalampasigan na dulot ng bagyo ng bagyo) ang mga baybaying lugar na mababa ang elebasyon sa loob ng watershed. Malalawak ang maapektuhang lugar na makikita sa baybayin ng Piso Proper, Cabangcalan, Calubihan, Rang-ay, Mogbongcogon sa Banaybanay, at Bagumbayan sa Lupon, dulot ng kanilang patag na lupa at mababang elebasyon na nagpapadali sa pagpasok ng daluyong. Inaasahan din ang pagtaas ng lebel ng dagat sa hinaharap, na maaaring magpalubog sa ilang bahagi ng baybayin, lalo na ang mabababang lugar. Ang coastal retreat o pag-urong ng baybayin ay magpapalapit ng linya ng baybayin sa mga pamayanan. Sa ganitong kalagayan, lalong makakapasok ang storm surge sa mas maraming bahagi ng lupa, na magpapalala sa panganib sa hinaharap. Mapapalala ng inaasahang pagtaas ng lebel ng dagat at ng coastal retreat ang storm surge sa watershed. Kabilang sa lubos na maaapektuhan ang mga mababang baybayin sa Banaybanay.
- Ang buong Sumlog-Cuabo River Watershed ay maaaring makaranas ng matinding pinsala mula sa malalakas na hangin. Lahat ng mga nakalantad na bahagi ng watershed ay posibleng lubhang maapektuhan ng malakas na hangin.
Mga Tampok sa Assessment ng Saribuhay
Sa Sumlog-Cuabo River Watershed, karamihan sa mga naitalang uri ng halaman ay mga puno, samantalang kakaunti lamang ang mga damo at palumpong. May kabuuang 360 morpo-species mula sa 249 genera at 111 pamilya ng halaman ang naitala sa Las Arenas at Calapagan. Ayon sa Co’s Digital Flora of the Philippines, sa 360 na naitalang uri, 65 (18.05%) ang endemic (natatagpuan lamang sa Pilipinas), 48 (13.33%) ang exotic (species na dayuhan), at 182 (50.55%) ang native o likas sa Pilipinas.
Sa 360 species, 34 ang itinuturing na threatened, kung saan 5 ang critically endangered (CR), 9 ang endangered (EN), 15 ang vulnerable (VU), at 10 ang nasa kategoryang other threatened species (OTS). Kabilang sa mga natatanging uri na nakita sa lugar ay ang critically endangered na Xanthostemon bracteatus Merr. at Medinilla magnifica, at ang endangered na Heptapleurum albidobracteatum (Elmer) Lowry & G.M.Plunkett.
Ang saribuhay ng Sumlog-Cuabo River Watershed ay lubhang bulnerable sa mga banta na gawa ng tao at kalikasan. Kabilang sa mga pangunahing banta ay ang pagdami ng dayuhang invasive species, ang malawakang kaingin (slash-and-burn farming), at ang pag-iral ng early secondary growth forests na nagpapahiwatig ng kasaysayan ng deforestation.
Nakabuod sa table sa ibaba ang resulta ng pagsusuri sa saribuhay:
Saribuhay sa Sumlog-Cuabo River Watershed | Vulnerability / Kahinaan |
Flora Species360 morpho-species65 Endemic species182 Native species48 Exotic species34 Threatened species5 critically-endangered (CR)9 endangered (EN)15 vulnerable (VU)10 other threatened (OTS) | Presence of significant number of exotic/introduced species Prevalence of kaingin (slash and burn) farming practices Prevalence of forest clearing for sayote farms Dominance of early-secondary growth forest |
Basahin ang buong listahan ng species na matatagpuan sa Sumlog-Cuabo River Watershed.
Mga Tampok sa Gender-Based Analysis-Plus
- Mga pamantayang panlipunan at pankasariang humuhubog sa paglahok ng kababaihan, Indigenous Peoples, at iba pang sektor. Bagaman may mga pamantayang pang kasarian na nagkukulong sa kababaihan sa tradisyonal na mga tungkulin tulad ng pangangalaga at mga maituturing na “ligtas” na gawain, sila ay aktibong nangunguna sa mga pamamahala ng likas na yaman gaya ng pagpapatakbo ng mga reforestation nursery, paghihiwalay ng basura, turismo, at pag-oorganisa ng ng komunidad. Subalit, madalas na hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala o kompensasyon ang mga kontribusyong ito kahit na mahalaga ang kanilang papel sa konserbasyon. Samantala, ang mga kababaihan at ibang mga grupong marhinalisado tulad ng mga may kapansanan (PWDs), LGBTIQ+, ay naisasantabi pa rin sa mga proseso ng pagdedesisyon at akses sa rekurso dulot ng mga nananatiling makalumang pananaw at mga sistematikong balakid. Kailangan ang mas malawak na suporta mula sa mga institusyon, kabilang na ang pagpapalalim ng kanilang mga kapasidad, pagkilala sa kanila, at pagbibigay ng akses sa mga kagamitan at mga responsibilidad ng pamumuno, upang mapunan ang mga kakulangan at mahikayat ang kanilang buo at makabuluhang partisipasyon sa pamamahala ng kalikasan.
- Aktibong pakikilahok ng mga bulnerableng komunidad ngunit sila ay itinuturing lamang na benepisyaryo imbis na tingnan bilang aktibong nakikibahagi sa pagbabago ng kalikasan. Bagaman aktibong nakikilahok ang mga bulnerable komunidad sa mga gawaing pangkalikasan—tulad ng mga kasanayang pangkalikasan ng Indigenous Peoples o ang patuloy na pagboboluntaryo ng kababaihan sa mga gawaing pangkonserbasyon—hindi gaanong nabibigyan ng halaga ang kanilang ambag. Sila ay naisasantabi sa mga pagdedesisyon at nalilimitahan ng mga nakaugaliang antas ng katayuan sa lipunan at kasarian.
- May mga umiiral na mekanismo sa pagdedesisyon ngunit limitado ang buo at makabuluhang partisipasyon sa pamumuno at pagdedesisyon. May iba’t ibang paraan ng partisipasyon sa pamamahala ng likas na yaman, kung saan mas nagpapakita ng pakikilahok ng komunidad ang Davao Oriental. Subalit, ang paraan ng inklusyon sa dalawang probinsya ay madalas limitado lamang sa pagsunod sa mga polisiya ukol dito. Bagaman nakakalahok ang kababaihan, LGBTIQ+, at mga may kapansanan (PWD) sa pagdedesisyon, ang kanilang impluwensya ay limitado lamang. Sa Davao Oriental, kahit may mga kababaihang pinuno, tulad ng ilang babaeng pinuno ng kanilang tribo, may kakulangan pa rin ang pagtugon sa mga isyung partikular sa kasarian gaya ng karahasan sa kababaihan at pangangalaga sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFW) na hindi natutugunan sa mga pormal na programa.
- Kaalaman sa Mga Karapatan. Sa Davao de Oro at Davao Oriental, lumalawak ang kaalaman ng mga komunidad sa mga karapatang pangkasarian at pangkalikasan, sa tulong ng mga training na inilulunsad ng gobyerno at mga civil society organization, kung saan tinatalakay ang anti-Violence Against Women and Children (VAWC), anti-trafficking, ang Revised Forestry Code, at mga batas ukol sa saribuhay. Nagbibigay ang mga ganitong sesyon ng mga batayang kaalamang legal at nagtuturo sa mga komunidad ng kanilang papel sa pagpoprotekta ng likas na yaman. Subalit, ang ganitong impormasyon ay madalas nananatiling mababaw, at kakaunti lamang ang oportunidad, lalo sa mga kababaihan, upang tuluyang maitguyod ang kanilang karapatan sa pamamahala ng likas na yaman.
- Akses at kontrol sa mga rekurso at paggamit ng teknolohiya. Sa Davao de Oro, makikita ang mga pangkabuhayang gawain ng mga kababaihan ngunit limitado ang kanilang akses, kalidad ng kasangkapan, papel batay sa kasarian, at suporta mula sa mga institusyon. Karaniwang lumalahok ang kababaihan sa pamamagitan ng mga organisasyong pangkomunidad at mga kooperatiba, ngunit ang kanilang kontrol sa mga kagamitan at teknolohiya, tulad ng mga kagamitang pang-recycle ng plastik, ay limitado pa rin. Pinapakita nito ang pangangailangan para sa patuloy na training at suportang teknikal. Sa Davao Oriental, madalas mga kababaihan ang namamahala ng praktikal na paggamit ng mga likas na yaman, ngunit ang kapangyarihan at kontrol sa mga kasangkapang pang-ekonomiya ay umiikot lamang sa mga kalalakihan at mga pormal na institusyon. Halimbawa, sa mga sektor ng pangingisda at pagsasaka, patuloy na na naaapektuhan ang katatagan ng mga organisasyon ng kakulangan sa akses ng kababaihan sa kapital at produktibong rekurso.
- Mga gampanin sa natural na pamamahala ng likas na yaman. Madalas naitatalaga ang kababaihan sa mga tungkuling maituturing na “ligtas” o pantahanan tulad ng paglilinis sa mga baybayin, mga gawain sa nursery ng punongkahoy, at paghihiwalay ng basura, samantalang ang kalalakihan ay nasa mga gawaing mabigat sa aspetong pisikal tulad ng Bantay Gubat at Bantay Dagat. Lumalahok din ang kababaihan sa pangangalaga sa bakawan at eko-turismo, ngunit madalas itong hindi kinikilala. May partisipasyon din sila sa mga trabahong impormal tulad ng landfill recycling, bagaman ang ganitong mga tungkulin ay kulang sa proteksyon. Samantala, ang mga may kapansanan at LGBTIQ+ ay kadalasang itinatalaga sa mga tungkuling secretariat o mga gawaing aesthetic o maporma, habang ang kabataan ay madalas nasa gawaing pagboboluntaryo.
- Mga Hamon at Balakid. May mga naitalang balakid, partikular sa kinahaharap na epekto ng klima at ang pagsalikop nito sa kasarian, at ang pagpapatupad ng NbS:
- Davao de Oro. Pinakaapektado ng epekto ng klima tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa, kakulangan sa tubig, polusyon, at mga industriyang extractive at mono-cropping ang mga naisasantabi o marhinalisadong sektor, ngunit humaharap sila sa mga sistematikong balakid sa pakikilahok sa pamamahala ng likas na yaman at pagtugon sa kalamidad. Ang ganitong mga isyu ay napapalala ng kakulangan sa akses sa serbisyong pang-HIV, mataas na kaso ng pagbubuntis ng kabataan, at kakulangan sa kaalamang sekswal na kalusugan.
- Davao Oriental. Ang mga disrupsyong dulot ng pagbabago sa klima – mula sa pagkawasak ng mga baybayin hanggang sa pagpasok ng tubig-baha sa mga lupain, pabago-bagong panahon, at pagkalugi ng mga kabuhayan—ay nakatali sa mga lokal na kalikasan. Bagaman may mga komite sa barangay para sa pamamahala ng likas na yaman, limitado lamang ang makabuluhang partisipasyon ng naisasantabing sektor, dulot na rin ng mga sistematikong hadlang at kakulangan ng suporta.
- Opportunities. Ang kababaihan, mga katutubo o Indigenous Peoples, kabataan, at LGBTIQ+ ay aktibong lumalahok sa mga inisyatibang pangkalikasan at klima, na lumilikha ng matibay na simula para sa inklusibong NbS at mga estratehiya ng pag-aangkop sa klima
- Davao de Oro. Nangunguna ang kababaihan sa reforestation nurseries, pamamahala ng materials recovery facilities (MRFs) sa barangay, at pakikilahok sa pamimigay ng seedling, eko-turismo, samantalang ang mga grupo ng LGBTIQ+ ay lumalahok sa pamamagitan ng pagtatanim ng punongkahoy at pagpapaganda ng mga parke. Bagaman impormal at hindi nabibigyan ng sapat na sahod ang ganitong mga tungkulin, nakakatulong ito sa mga lokal na kabuhayn at sa pag-iibsan ng epekto ng pagbabago ng klima.
- Davao Oriental. Sa kabila ng pagbabagong dulot ng klima, nakikiangkop ang kababaihan sa kanilang mga kabuhayan tulad ng pananahi o pagpoproseso ng pagkain sa panahong limitado ang pangingisda. Kapag may sakuna, tumatanggap sila ng tulong na sensitibo sa kasarian, tulad ng hygiene kits. Lumalahok din sila sa Bantay Gubat at Bantay Dagat, mga IP council, at mga kooperatibang pangkabuhayan, habang isinasama ng mga lokal na pamahalaan ang mga usaping kasarian sa mga disaster risk training at proseso ng pagpaplano.
IV. Site-based Grants: Eligible Activities
Ang bawat site-based grant ay nasa pagitan ng Php 2 Milyon at Php 6 Milyon, na may panahon ng pagpapatupad na dalawang taon (2) na magsisimula sa Oktubre 2025.
Ang mga site-based grant sa ilalim ng Programa ay direktang susuporta sa mga NbS na nakabatay sa kasarian at komunidad upang makatulong na mabawasan ang kahinaan at palakasin ang katatagan sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa mga natukoy na lugar ng proyekto. Ang mga NbS na ito ay tutugon sa mga resulta ng VRA at GBA Plus, alinsunod sa mga buod na nasa itaas.
Ang talahanayan sa ibaba ay naglilista ng mga potensyal na NbS na maaaring tumugon sa mga prayoridad na isyu na natukoy sa pamamagitan ng VRA. Ang mga site-based grant ay ibibigay sa mga proyektong naglalayong ipatupad ang mga potensyal na NbS na ito, ngunit hindi limitado sa mga ito. Ang mga proponent ay hinihimok na magpakilala ng iba pang subok o makabagong NbS, lalo na ang mga halaw sa lokal na karanasan at kasanayan.
Summary of Risk Assessment in Sumlog-Cuabo River Watershed
(List of Barangays per Exposure Units)
Hazard / Panganib | Community Risks / Banta sa Komunidad | Ecosystem-Related Risk / Banta sa Ekosistema | Potential NbS |
---|---|---|---|
Flooding | 39 residential barangays have intermediate to very high risk from flood hazard. Approximately up to 4,270 households are at intermediate to high risk from flood hazard. | Forest areas of 38 barangays have intermediate to very high risk from flood hazard. All barangays with agriculture and coastal areas have intermediate to very high risk from flood hazard. | Flood mitigation initiatives (e.g., women-led reforestation, afforestation, natural water retention ponds, soil erosion control) Urban greening (e.g., green spaces, green walls) Community-based forestry and agroforestry (e.g., alley cropping, forest farming, using flood- and salt-resistant crops) |
Rain-induced Landslides | 20 residential barangays have intermediate to very high risk from rain-induced landslides.Approximately up to 815 households are at intermediate to very high risk from rain-induced landslides. | Forest areas of 31 barangays have intermediate to very high risk from rain-induced landslides.Agriculture areas of 34 barangays have intermediate to very high risk from rain-induced landslides. 2 coastal barangays have low to intermediate risk from rain-induced landslides. | Reforestation/ Afforestation of the headwaters of the watershedPioneer and fast-growing species that can be used for reforestation and/or afforestation found in the watersheds are the; Balinghasai (Buchanania arborescens), Anabiong (Trema orientale), Binunga (Macaranga tanarius), Kariskis (Albizia lebbekoides), Narra (Pterocarpus indicus), Hauili (Ficus septica), Bangkoro (Morinda citrifolia), (Artocarpus multifidus). Talisai (Terminalia catappa), Banato (Mallotus philippensis), Banaba (Lagerstroemia speciosa), Anislag (Securinega flexuosa), Bakauan gubat (Carallia brachiata), Badyang (Alocasia portei), and Pianga (Madhuca obovatifolia). Strengthening of riverbanks that are prone to slope failure (e.g., use of vetiver grass, establishing freshwater mangrove, bamboo propagation)Species found in the watersheds that can help in strengthening riverbanks and protect soil from erosion are the Kayong (Glochidion littorale), Bitongol (Flacourtia rukam), and Ambalag (Mischocarpus pentapetalus), Anislag (Securinega flexuosa). Community-based forestry and agroforestry |
Storm Surge | 9 residential barangays have intermediate to high risk from storm surge. Approximately up to 163 households are at intermediate to high risk from storm surge. | Agriculture areas of 2 barangays have intermediate risk from storm surge. 9 coastal barangays have low to intermediate risk from storm surge. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaksSpecies found in the watersheds that can help in windbreaks are the: Bitaog (Calophyllum inophyllum) and Pandan dagat (Pandanus tectorius). |
Storm surge with sea level rise | 9 residential barangays have intermediate to very high risk from storm surge with sea level rise. Approximately up to 364 households are at intermediate to very high risk from storm surge with sea level rise. | Agriculture areas of 2 barangays have intermediate risk from storm surge. 9 coastal barangays have low to high risk from storm surge. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks |
Severe Winds | All populated areas have high to very high risk from severe wind. All households are at intermediate to high risk from severe wind. | All barangays with forest areas and coastal areas have a high to very high risk from severe wind. All barangays with agriculture areas have intermediate to very high risk from severe wind. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaksSpecies found in the watersheds that can help in windbreaks are the: Bitaog (Calophyllum inophyllum) Urban Greening/Forestry |
*Baseline (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP) RCP 8.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP)
Bibigyang prayoridad ang mga panukalang NbS na nagpapalakas sa kakayahan at nagsusulong sa pamumuno ng mga kababaihan sa pagpapatupad ng proyekto at pamamahala sa kanilang mga likas na pinagkukunan. Ang mga proponent ay hinihikayat na sumangguni sa mga kahinaan at kakulangang panlipunan at pangkasarian na natukoy sa GBA Plus. Sa buong pagpapatupad, ang mga aktibidad at inobasyon na may kaugnayan sa kasarian ay dapat ipakilala, subukan, at/o iakma upang masuportahan ang epektibong paghahatid ng mga resulta.
Kasama ng mga nabanggit na interbensyon, ang mga proposal ay maaari ring isama ang mga sumusunod o katulad na aktibidad bilang suporta sa NbS, habang binibigyang prayoridad ang NbS at sinisigurong magkaugnay ang mga gawaing ito:
- Pagbuo at pagkakaroon ng iba’t ibang mga gender-responsive na negosyong pangkomunidad at sustainable livelihoods, at tuloy-tuloy na kabuhayan, alinsunod sa paraan ng pagprotekta sa saribuhay;
- Mga aktibidad ng pagsasalehitimo at pagrerehistro ng mga organisasyon at grupong pangkomunidad at mga indibidwal na kasapi;
- Pangkomunidad na pagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang kabundukan at dalampasigan/karagatan (hal., pagpapatrolya, mga kagamitan at kasangkapan);
- Mga lokal na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang sektor at pagpapalakas ng mga samahan; at/o
- Pagpapalakas sa komunidad at kasarian na mahalaga sa proteksyon ng mga ekosistema.
- Pangkomunidad na sistema ng pagkain (hal. community garden, pagsasaka sa kalunsuran, farmers market) upang masuportahan ang akses sa pagkain.
Hinihikayat din ang mga proponent na lumikha ng mga proyekto na umaayon sa mga lokal/pangkomunidad na plano at balangkas, at isasaalang-alang din maging ang mga proyektong naipatupad na sa lugar.
V. Site-based Grants: Mga Maaaring Tumanggap ng Pondo
Ang site-based grants ay bukas para sa lahat ng mga kwalipikadong tagapagtaguyod o proponent na interesadong magpatupad ng mga proyekto sa mga natukoy na lugar sa Davao. Ang mga kwalipikadong entidad sa Pilipinas na maaaring tumanggap ng mga pondong ito ay kinabibilangan ng:
- Mga non-government organizations (NGOs) na aktibo sa Pilipinas at lumalahok sa pangangalaga ng kapaligiran, kaunlaran, edukasyon, siyentipikong pananaliksik, pamamahala ng ekosistema, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at/o iba pang kaugnay na larangan. Ang NGOs ay tumutukoy sa mga non-government organizations na maayos na nakarehistro ayon sa mga batas ng Pilipinas;
- Mga organisado at/o kinikilalang community-based organizations, people’s organizations (POs), indigenous peoples’ organizations (IPOs), at/o women’s rights organizations (WROs) na nagtatrabaho sa larangan ng kapaligiran at/o kaunlaran; at
- Ibang angkop na lokal o rehiyonal na entidad na aktibo sa Pilipinas.
Maaaring maghain ng iisang proposal para sa pinagsanib na mga proyekto ang isang samahan bilang proponent, para sa ilang mga samahan na bumubuo ng isang consortium o grupo, na may pinagkasunduang layunin para sa kalalabasan ng proyekto, para suportahan ang mga conservation agreement, o batay sa lokal na plano sa kaunlaran (local development plans).
Bibigyang-prayoridad ang mga samahan na nagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan.
Ang mga proponent ay hinihimok na magbigay ng katibayan ng suporta para sa iminungkahing proyektong NbS mula sa mga target o benepisyaryong komunidad, at maipakita ang nabuong pakikipag-ugnayan at pagtutulungan kasama ang mahahalagang lokal na yunit ng pamahalaan.
VI. Site-based Grants: Application Process
Para makapag-aplay sa site-based grant, ang mga kwalipikadong organisasyon ay kinakailangang kumpletuhin at isumite ang mga kinakailangang dokumento na nakalista sa ibaba.
Mga Kinakailangan para sa mga Proposal o Aplikasyon ng Proyekto
Full Proposal | ✓ |
Annex A. Work and Budget Plan | ✓ |
Annex B: Project Monitoring and Evaluation Framework | ✓ |
Annex C: Proponent Information Sheet | ✓ |
Ang buong proposal at iba pang mga template ay maaaring i-download mula sa Grant Portal sa Forest Foundation website, o mula sa link na ito, at pwedeng i-request sa email sa pcp4nbs@forestfoundation.ph.
Ang kumpletong proposal at mga annex ay dapat na i-upload at isumite sa Grant Portal bago o sa takdang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa July 4, 2025.
VII. Site-based Grants: Proposal Evaluation and Approval
Ang mga project proposals ay paunang susuriin upang matukoy ang kaangkupan at pagkakumpleto ng disenyo at teknikal na aspeto. Ang mga proposals na tumutugon sa mga pamantayang ito ay iaakyat sa Program Committee ng Foundation, na maghahanda at magsusumite ng mga rekomendasyon sa Board of Trustees (BOT) tungkol sa mga proposals na dapat pondohan.
Inaasahang isasama ng mga proyekto ang pagkakaugnay ng klima, saribuhay at kasarian at ihahanay ang kanilang mga iminungkahing aktibidad at awtput sa mga target na resulta at prayoridad ng Programa. Ang mga panukala ay susuriin sa isang holistikong paraan, ayon sa: (a) pangkalahatang mga pamantayan sa pagiging maayos, kakayahang maisakatuparan, at pagsunod sa Logic Model ng Programa (tingnan ang Pigura 1); (b) mga pamantayan na partikular sa NbS; at (c) iba pang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS.
Ang mga proposal ay dapat tumutugon sa mga pangkalahatang pamantayan at nagpapakita na ang proyekto ay isang NbS. Samantala, ang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS ay hindi kinakailangan ngunit maaaring magpatibay ng proposal.
Kailangan matugunan ng proposal ang mga sumusunod na pangkalahatang pamantayan:
- Teknikal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
- Pinansiyal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
- Panlipunan na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
- Kakayahan ng organisasyon na isakatuparan ang proyekto;
- Malinaw na mga bunga at resulta na may mataas na posibilidad ng tagumpay (magagawa at matutupad sa loob ng takdang pondo at panahon); at
- Kahanay sa mga inaasahang resulta (output at outcome) ng Logic Model ng Programa (tingnan ang Figure 1).
Kailangang maipakita ng proposal na ang proyekto ay isang nature-based solution, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
- Tumutugon ba ang proyekto sa mga pangunahing isyu na natukoy sa VRA at GBA Plus?
- Nasosolusyunan ba ng proyekto ang mga lokal na pangangailangan sa pag-angkop sa pagbabago ng klima?
- May direktang ambag ba ito sa pagpapanumbalik, pamamahala, at/o pag-iingat ng mga ekosistema o serbisyo mula rito?
- Naglalayon ba itong tumugon sa mga hamong panlipunan, maliban sa mga isyu ng pangangalaga sa kalikasan?
- Nagbibigay ba ito ng kaakibat na benepisyo para sa saribuhay?
- Sinusulong ba nito ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (gender equality) sa disenyo nito at sa pagsasakatuparan?
Maaaring mapalakas ang proposal kung sinasagot nito ang mga sumusunod na tanong, na nagpapakita ng mga aksyong sumusuporta sa NbS (ang mga ito ay opsyonal):
- Sinusuportahan ba ng proyekto ang paglikha ng mga negosyong pangkomunidad at tuloy-tuloy na kabuhayan na isinasaalang-alang ang kasarian, na nakaayon sa proteksyon ng saribuhay?
- Tinutulungan ba ng proyekto na patatagin ang mga organisasyon at hikayatin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor?
- Nakapag-aambag ba ng proyekto sa pagpapalakas ng komunidad at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lugar?
- Sinusuportahan ba ng proyekto ang transdisiplinaryong pagbabahagi ng kaalaman, estratehikong komunikasyon, at/o mga mekanismo at proseso ng pagkatuto upang bumuo ng kakayahan sa NbS tungo sa makabuluhang pagbabago?
- Nilalayon ba ng proyekto na masunod ang iba pang mga pamantayan ng NbS ayon sa IUCN Global Standard for NbS?
Ipababatid ng Foundation sa publiko ang mga napiling proyekto. Kapag naaprubahan na ang isang proposal, ang Foundation ay papasok sa isang legal na kasunduan o Special Fund Agreement kasama ang tagapagpatupad ng proyekto/grantee.
VIII. Timeline
Para sa yugtong ito ng mga proposals para sa site-based grants, pakitandaan ang panahon ng paggugol sa ibaba.
Panahon (Timeline) ng Pagpasa at Pagsuri ng Proposal
Activity | Indicative Schedule |
Request for Proposals (Pagpapabatid) | June 4, 2025 |
Project Development Workshop (Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto) | June 3-4, 2025 |
Deadline para sa mga Teknikal na Katanungan | June 20, 2025 |
[Extended] Deadline ng Pagpasa ng Proposal | July 4, 2025 |
Pagsusuri ng mga Proposal | July – August 2025 |
Pagpapasya ng BOT | September 2025 |
Pagpapahayag ng mga Resulta | September – October 2025 |
Pagsisimula ng Pagpapatupad ng mga Proyekto | October 2025 onwards |
Magsasagawa ng isang Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto (Project Development Workshop) upang magbigay ng karagdagang impormasyon patungkol sa Program, sa saklaw ng site-based grants, ang mga klase ng proyekto na maaaring suportahan, teknikal na tulong sa proseso ng aplikasyon para pag-ibayuhin at palakasin ang proposal na posibleng mapondohan. Ang pagsasanay na ito ay bukas sa lahat ng mga kwalipikadong proponent ng proyekto sa Negros Oriental. Kung kinakailangan, maaaring magsagawa rin ng mga information sessions patungkol sa proseso ng pagbalangkas at pagsumite ng proposals.
Maaaring mag-email sa Foundation (pcp4nbs@forestfoundation.ph) kung kinakailangan ng tulong sa pagbuo ng proposal. Ang mga teknikal na katanungan, o mga tanong na may kinalaman sa pagsusuri at pag-apruba ng mga proposal sa Seksyon VII, ay tatanggapin lamang hanggang 5:00 ng hapon (Philippine Time) saJune 20, 2025.
Lahat ng mga proposal ay dapat maisumite sa Grant Portal nang hindi lalampas sa 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa July 4, 2025. Ang mga proposal na matatanggap pagkatapos ng deadline ay maaaring bigyang konsiderasyon batay sa natitirang pondo, at/o isama at suriin sa ilalim ng susunod na RFP.
IX. Contact
Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS)
Forest Foundation Philippines
1F Valderrama Bldg., 107 Esteban St., Legaspi Village
1229 Makati City, Philippines
PCP4NbS Phone: (+63 2) 8716 4067;
Forest Foundation Phone: (+63 2) 8891 0595; (+63 2) 8864 0287
Forest Foundation Website | PCP4NbS Website l Grant Portal
Facebook | Instagram | Youtube | X
Email: pcp4nbs@forestfoundation.ph