Deadline of Submission: July 18, 2025
I. Kaligiran at mga Layunin
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa buong mundo na pinakananganganib dahil sa pagbabago ng klima. Matatagpuan sa typhoon belt at ring of fire sa Karagatang Pasipiko, ang bansa ay madaling tamaan ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, mga bagyo, tagtuyot, at pagguho ng lupa. Upang ito’y masuong at hindi matinag sa harap ng krisis sa klima, kailangang patuloy na palakasin ng Pilipinas ang kakayahan nitong maging matatag sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng isang komprehensibong pamaraan kabilang ang mga estratehiya para sa pag-iibsan at pag-aangkop sa epekto ng nagbabagong klima.
Ang pag-angkop sa pagbabago ng klima ay pangunahing kailangan upang baguhin ang takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino at maglatag ng landas patungo sa pagpapatibay ng katatagan at pagkamit ng likas kayang pag-unlad. Ang mga pagsisikap tungo sa adaptasyon ay dapat na nakabatay sa pagpapabuti ng malawakang pag-unawa sa mga epekto ng klima, pagpapalakas ng kapasidad para sa pag-angkop sa klima, pagpapatibay sa suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng mga polisiya at iba pang tulong, at pagtitiyak sa pakikilahok ng lahat sa paggawa ng desisyon, lalo na ng mga kababaihan at lokal na komunidad.
Sa konteksto ng mga hamon sa pag-unlad ng isang bansang mayaman sa saribuhay, ang Forest Foundation Philippines (“Forest Foundation” o “the Foundation”), sa tulong ng pondo mula sa Pamahalaan ng Canada, ay nagsasagawa ng Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS) (ang “Programa”). Ipatutupad ito mula 2024 – 2028 at nagkakahalaga ng CA $8 Milyon (tinatayang PhP 332 Milyon), ang programa ay nais makapag-aambag sa pagpapalakas ng katatagan ng klima sa mga komunidad, partikular sa mga kanayunan at katutubong kababaihan, habang tinitiyak ang benepisyo ng bawat isa, mula sa likas-yaman at malusog na ekosistema.
Tinukoy ng programang PCP4NbS ang Camarines Sur bilang isa sa mga prayoridad na lugar nito. Partikular na pinagtutuunan ng pansin ang Siruma, isang munisipalidad sa tabi ng dagat na mataas ang panganib mula sa malalakas na bagyo na taon-taong dumadaan sa Rehiyon ng Bikol. Bagamat napoprotektahan ng mga bakawan ang ilang mga lokal na komunidad mula sa hagupit ng bagyo, ang patuloy na pagkasira ng mga bakawan at ang lumalalang kahirapan ay humahadlang sa munisipalidad na mapakinabangan nang buo ang mga bakawan. Ang pagkasira at pagkaubos ng buhay-ilang (wildlife) at tahanang ng mga hayop sa karagatan ay maiuugnay sa pagbabago ng klima (hal. Ang pagtaas ng kaso ng sunog sa kagubatan o wildfire).
Nakapokus ang site-based grant para sa Camarines Sur sa dalawang watershed—ang Buang River Watershed (Kabuuang Sukat: 1,184.96 ektarya) at Delehi River Watershed (Kabuuang Sukat: 3,050.68 ektarya)—na sumasakop sa 14 barangay sa munisipalidad ng Siruma. Titiyakin ng Programa na ang mga solusyong nakabatay sa kalikasan on nature-based solutions (NbS) ay maisasagawa sa mga target na lugar at magbubunga ng mga resulta na naaayon sa Logic Model nito (Tingnan ang Figure 1).
Figure 1. Logic Model ng PCP4NbS
II. Special Fund para sa NbS
Upang suportahan ang masangkot na pagbubuo (participatory development), pagpapatupad, at pagpapaibayo ng mga proyekto ng NbS para sa adaptasyon sa pagbabago ng klima, nagtatag ng isang Special Fund sa ilalim ng programa. Layunin ng Special Fund na:
- Palakasin ang kapasidad ng mga kababaihan at komunidad sa pagbubuo/pagdidisenyo at pagpapatupad ng NbS na may mga benepisyo para sa saribuhay;
- Tiyakin ang pakikilahok ng mga kababaihan at komunidad sa pagtatanggol, pagpapabuti, at pagpapanumbalik ng mga ekosistema at saribuhay; at
- Protektahan at mas mapataas ang saribuhay na nagbibigay ng iba’t ibang produkto at serbisyo mula sa ekosistema.
Ang disenyo at implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Special Fund ay alinsunod sa Results Framework ng Foundation mula 2023-2027. Kasabay nito, palalawakin ang tuloy-tuloy na pamamahala ng mga kagubatan, dalampasigan at karagatan na mga ekosistema. Tutugunan nito ang pangangailangang mapanatili ang tubig, lupa, at saribuhay, at isusulong ang mga aksyong pangklima na nakabatay sa kalikasan. Susuporta ang pondo sa mga proyektong maaaring magtatag ng mga pangmalakihang estratehiya na may malawakang partisipasyon at koordinasyon, para siguruhin na matutugunan ng Programa ang iba’t ibang pangangailangan sa lokal, habang nag-aambag din sa mga nasyonal na mithiin o target.
Susuportahan ng Special Fund ang tatlong uri ng mga grant sa buong mga taon ng Programa: (1) site-based grants para sa pagpapatupad ng NbS sa natukoy na mga lugar; (2) thematic grants para ipakita ang NbS; at (3) public support grants upang mapanatili ang suporta ng publiko para sa NbS. Ang Request for Proposals na ito ay tungkol sa mga aplikasyon para sa Site-based Grants sa Camarines Sur.
III. Site-based Grants: Saklaw ng Heograpiya at Mga Prayoridad na Isyu
Ito ay isang Request for Proposals para sa NbS sa Camarines Sur, kung saan ang mga inisyatibo ay tututok sa Delehi River Watershed at Buang River Watershed. Ang natukoy na mga lugar ay kinabibilangan ng mga sumusunod na barangay:
Delehi River at Buang River Watersheds sa Camarines Sur | ||
Buang River Watershed | Brgy. Bahao Brgy. Homestead Brgy. Nalayahan Brgy. Poblacion Brgy. Tongo-Bantigue | |
Delehi River Watershed | Brgy. Bagong Sirang Brgy. Bahao Brgy. Boboan Brgy. Fundado Brgy. La Purisima Brgy. Nalayahan Brgy. Poblacion Brgy. San Andres Brgy. Sulpa Brgy. BaniBrgy. San Vicente |
Upang matiyak ang pagiging epektibo at kakayahang tumugon ng Programa sa pag-aambag sa mga positibong resulta sa mga natukoy na lugar, isinagawa ang Vulnerability and Risk Assessment (VRA), Gender-Based Analysis-Plus (GBA Plus), at Marine Biodiversity Assessment (MBA). Ang mga pagsusuring ito ay makatutulong sa Programa na makamit ang mga layunin nito kaugnay ng klima, saribuhay (biodiversity), at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng angkop at tumutugon sa kasarian na NbS. Maaaring hingin ang mga buong pagsusuri kung kinakailangan.
Ang mga resulta ng mga pagsusuri na nakabuod sa ibaba ay nagbibigay ng batayan para matukoy ang mga pangunahing isyung kailangang tugunan at ang mga interbensyong susuportahan dito.
Mga Tampok sa Vulnerability at Risk Assessment
(base sa pagsusuri ng mga panganib):
Buang River Watershed
- Ang mataas na lebel ng panganib ng pagbaha ay madalas matatagpuan malapit sa mga kanal. Base sa pag-aaral, ang ganitong klase ng pagbaha ay makikita sa Brgy. Nalayahan, at ilang mataas na bahagi ng Brgy. Tongo-Bantigue. Ang mas malawak at mas malalang pagbaha ay nangyayari sa mga kapatagang malapit sa bukana ng Ilog Buang. Sakop nito ang Brgy. Poblacion, mabababang bahagi ng Tongo-Bantigue, at Brgy. Homestead. Nananatiling nakakabahala ang pagbaha dahil sa mababang elebasyon at dalisdis.
- Kakaunti lang ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagguho ng lupa dulot ng ulan (Rain-induced Landslides o RiL) sa Buang River Watershed. Ang mga bulnerableng lugar ay nabubuo sa gilid ng burol na may katamtamang dalisdis. Madalang ang mga lugar na apektado ng pagguho ng lupa dulot ng ulan, ngunit ang iilan sa kanila ay nasa mga Brgy. Homestead, Tongo-Bantigue, Nalayahan, Bahao, at Poblacion.
- Nahaharap sa mas mataas na panganib ng storm surge (daluyong sa dalampasigan na dulot ng bagyo) ang mga baybaying lugar na mababa ang elebasyon sa loob ng watershed. Napapadali ang pagdaloy ng tubig-dagat paloob tuwing may storm surge dulot ng malawak na bukana ng Buang River na nakaharap sa Piniitan Bay at ang banayad na dalisdis na nakapaligid dito. Pinapalala nito ang lebel ng panganib dulot ng storm surge sa Brgy. Homestead, Brgy. Poblacion, at ang mabababang bahagi ng Brgy. Tongo-Bantigue at Brgy. Nalayahan.
- Ang buong Buang Watershed ay maaaring makaranas ng matinding pinsala mula sa malalakas na hangin. Lahat ng mga nakalantad na bahagi ng watershed ay posibleng lubhang maapektuhan ng malakas na hangin.
Delehi River Watershed
- Matatagpuan sa mabababang bahagi ng lambak at sa bukana ng Delehi Watershed ang mga lugar na madalas binabaha. Isang napakalawak na kapatagan sa gitna ng lambak ang sumasaklaw sa kabuuan ng Delehi Watershed. Ang mababang bahaging ito ng tuktok ng watershed ay napapaligiran ng mga tagaytay sa hilaga at timog na bahagi, na nagpapadaloy ng tubig-baha patungo sa mabababang bahagi ng lambak. Nagdudulot ang ganitong kondisyon ng mataas na lebel ng panganib ng pagbaha kahit sa tuktok ng watershed. Ang ganitong klase ng problema ng pagbaha ay mararanasan sa Brgy. Fundado, Brgy. San Andres, at mataas na rehiyon ng Brgy. Bagong Sirang, at Brgy. Bahao. Ang mataas na panganib ng pagbaha ay maiuugnay sa natural na mababang elebasyon at banayad na dalisdis.
- Iilan lang ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng rain-induced landslides sa Delehi River Watershed. Ang mga bulnerableng lugar ay nabubuo sa gilid ng burol na may katamtamang dalisdis. Madalang ang mga lugar na apektado ng pagguho ng lupa dulot ng ulan, ngunit ang ilan sa kanila ay makikita sa mga Brgy. Poblacion, Bahao, San Andres, at Bagong Sirang.
- Nahaharap sa mas mataas na panganib ng storm surge ang mga baybaying lugar na mababa ang elebasyon sa loob ng watershed. Napapadali ang pagdaloy ng tubig-dagat paloob tuwing may storm surge dulot ng malawak na bukana ng Delehi River na nakaharap sa Penitan Bay at ang banayad na dalisdis na nakapaligid dito. Pinapalala nito ang lebel ng panganib dulot ng storm surge sa mga Brgy. Bahao, Bagong Sirang, Boboan at ilang mga lugar sa baybayin sa timog na bahagi ng Brgy Poblacion.
- Ang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat sa hinaharap ay inaasahang magdudulot ng paglubog ng ilang bahagi ng baybayin, partikular ang mga mabababang lugar. Dahil dito, maaaring tumulak paloob ang storm surge na makakaapekto sa mas maraming lupain at magtataas ng lebel ng panganib. Kapag isinaalang-alang ang inaasahang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat at pag-atras ng baybayin, makikitang ang ang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat sa hinaharap ay magpapalala sa mga kondisyon ng storm surge sa watershed. Makakaranas ang mga Brgy. Bahao, Bagoong Sirang, Boboan, at Poblacion ng mas malalang pagbaha dulot ng storm surge sa hinaharap na sasabayan ng pagtaas ng lebel ng dagat.
- Ang buong Delehi Watershed ay maaaring makaranas ng matinding pinsala mula sa malalakas na hangin. Lahat ng mga nakalantad na bahagi ng watershed ay posibleng lubhang maapektuhan ng malakas na hangin.
Mga Tampok sa Assessment ng Saribuhay sa Kabundukan
Sa parehong Buang River Watershed at Delehi River Watershed, karamihan sa mga naitalang uri ng halaman ay mga puno, samantalang kakaunti lamang ang mga herb at palumpong.
Sa Buang River Watershed, may kabuuang 108 morpho-species na naitala, na kumakatawan sa 92 genera at 42 families. Ayon sa Co’s Digital Flora of the Philippines, 12 species (11.11%) ang endemic (natatagpuan lamang sa Pilipinas), 31 species (28.70%) ang exotic (species na dayuhan), at 61 species (56.48%) ang native o likas sa Pilipinas. May tatlong species na natukoy bilang threatened at vulnerable (VU): Pterocarpus indicus Willd. forma indicus, Phyllanthus gigantifolius Vidal, at Alpinia elegans (C. Presl.) K. Schum.
Sa Delehi River Watershed, mas maraming species o klase ng halaman ang naitala, kung saan mayroong 169 morpho-species na naitala na kumakatawan sa 135 genera at 64 families. 22 species (12.94%) ang endemic, 32 species (18.82%) ang exotic, at 79 species (46.47%) ang native. May kabuuang 11 species na natukoy bilang threatened, kabilang na ang endangered (EN) species (Madhuca obovatifolia (Merr.) Merr.), apat na vulnerable (VU) species, at anim na natukoy bilang other threatened species (OTS).
Ang saribuhay sa parehong Delehi River Watershed at Buang River Watershed ay lubhang bulnerable sa mga banta na gawa ng tao at kalikasan. Kabilang sa mga pangunahing banta ay ang pagdami ng dayuhang invasive species, ang malawakang kaingin (slash-and-burn farming), at ang pag-iral ng early secondary growth forests na nagpapahiwatig ng kasaysayan ng deforestation.
Nakabuod sa table sa baba ang resulta ng pagsusuri sa saribuhay:
Biodiversity in Buang River Watershed | Vulnerability |
Flora Species108 morpho-species12 Endemic species61 Native species31 Exotic species3 Threatened species3 vulnerable (VU) | Presence of significant number of exotic/introduced species Prevalence of kaingin (slash and burn) farming practices Dominance of early-secondary growth forest |
Biodiversity in Delehi River Watershed | |
Flora Species169 morpho-species22 Endemic species79 Native species32 Exotic species11 Threatened species1 endangered (EN)4 vulnerable (VU)6 other threatened (OTS) |
Tignan ang buong listahan ng species na matatagpuan sa Buang River Watershed at Delehi River Watershed.
Mga Tampok sa Assessment ng Saribuhay sa Karagatan
Ang pagtatasa ng saribuhay sa karagatan (Marine Biodiversity Assessment) ay isinagawa sa mga naitalagang santuwaryo ng mga isda sa Siruma, Camarines Sur: ang Penitan Fish Sanctuary at Butawanan Fish Sanctuary.
Penitan Fish Sanctuary (Tignan ang buong listahan ng fish species sa Penitan Fish Sanctuary)
- Korales (Corals). Ang Penitan Fish Sanctuary ay may banayad na dalisdis at di gaanong natatanging reef crest (pinakamababaw na bahagi ng bahura). Nakahiwalay ang dalisdis ng bahura sa mabuhanging kanal. Ang kumpol ng korales ay karaniwang magkakahiwalay. Mataas ang antas ng sedimentasyon, at may makabuluhang presensya ng mga algae at ang brown na damong-dagat (seaweed) na Lobophora.
Matatagpuan ang sari-saring matitigas na korales (hard coral life forms o reef-building corals) na may malalawak na saklaw (coral cover), ngunit mapapansin din na malawak ang bahagi ng mga nasirang bahura. Madalas makikita ang mga table coral (tabulate Acropora) at cabbage coral (foliose Montipora). Naitala rin ang mga branching fire coral (Millepora), at encrusting and massive faviids. May mapapansing pagkakatulad sa mga bahurang nasa santuwaryo at sa mga bahurang nakalantad (open-access). Matatagpuan din ang mga malalaking kolonya ng table corals, massive boulder corals o Porites (mas marami kaysa santuwaryo) at cabbage corals. Sa kabila ng pagkakatulad sa komposisyon ng matitigas na bahura, mapapansin na mas mababa ang coral cover sa bahaging ito.
Mayabong ang Sargassum at iba pang macroalgae sa survey area. Makikita rin ang Lobophora sa bahurang ito. May ilang table corals na nagpapakita ng bahagyang o buong pagkaputi (colony bleaching). Pinaghihinalaan na dulot ito ng pag-atake ng crown-of-thorns (COT).
- Lusay (Seagrass). Limitado ang pagdami ng lusay sa loob ng santuwaryo ng Penitan. Sa mabababaw na intertidal area sa loob ng santuwaryo, tanging mga kalat-kalat na tape seagrass (Enhalus acoroides) ang mapapansin.
Patungo sa kanluran ng Penitan at lampas sa mga hangganan ng marine reserve, may natagpuang malawak na mababaw na patag na bahura kung saan siksik at sari-sari ang mga kumpol ng lusay. Ang paglago ng lusay ay umaabot sa mga bahagi ng dalampasigan na low-tide hanggang 150 metro mula sa baybayin.
Sa bahagi ng kumpol na lumalampas sa dalampasigan, naitala ang mga sumusunod na species: tape seagrass, serrated ribbon seagrass (Cymodocea serrulata), pacific turtle seagrass (Thalassia hemprichii), noodle seagrass (Syringodium isoetifolium), narrowleaf seagrass (Halodule uninervis), at spoon seagrass (Halophila ovalis). Sa mababaw na bahagi malapit sa dalampasigan, matatagpuan ang tape seagrass (E. acoroides) at ribbon seagrass (Cymodocea rotundata) at spoon seagrass. Binubuo ang mga kumpol ng magkahalong paglago ng nasabing species kung saan nagsisiksikan sila sa ibang mga lugar.
Kabilang sa mga naitalang macroalgae sa lugar ng mga lusay ay ang Padina, Turbinaria at Sargassum.
- Komunidad ng mga Isda. May kabuuang 80 species ng isda na naitala mula sa mga survey site sa Penitan: 65 species sa istasyon ng santuwaryo at 54 sa bahurang nakalantad.
Sa kabuuang 80 species na naitala sa assessment, 55 ay mga pangunahin o ecologically important species, 11 ay indicator species, at 56 ay target na mga isdang may iba’t ibang komersyal na halaga (target fishes of varying commercial value). Mayroon din mas malaking bilang ng target species na matatagpuan sa loob ng santuwaryo kaysa labas. Sa 65 species ng isda sa loob ng santuwaryo, 32 ay may komersyal na halaga habang 27 lamang ang pangunahing species.
Sa bahurang nakalantad, may naitalang 29 pangunahing species kumpara sa 20 target species. Naitala rin ang sub-adult green/bumphead parrotfish (Bolbometopon muricatum) sa loob ng santuwaryo ng Penitan, ngunit lampas sa mga survey plot. Ang species na ito ay naitalagang vulnerable (VU) ayon sa IUCN Red List. Dagdag dito, maraming indibidwal ng grouper o lapu-lapu (Plectropomus leopardus) na umaabot sa 50cm na haba ang naitala sa loob ng santuwaryo.
Butawanan Fish Sanctuary (Tignan ang buong listahan ng species sa Butawanan Fish Sanctuary)
- Korales. Ang bahurang siniyasat sa Butawanan Fish Sanctuary ay isang shoal na malayo sa pampang na nakahiwalay mula sa bahurang nakalawit sa lagusan. Mataas ang coral cover, at ang bahura ay pinangingibabawan ng boulder at finger corals (massive and branching Porites), at table at branching Acropora corals.
May ilang seksyon na may mataas na durog na bato na binubuo ng mga tipak ng finger corals. Makikita rin ang mga pumuting (bleached) kolonya ng table coral. Pinaghihinalaan na ang sanhi nito ay mga crown-of-thorns sea stars. Malinaw ang tubig sa may bahura. Ang control reef na pinag-aralan ay walang natatanging tuktok o reef crest. Kalat-kalat ang bahura at nangingibabaw ang macroalgae. Mayabong din ang algal assemblages at Lobophora seaweeds sa bahurang na-survey.
Mababa ang saklaw ng bahura ngunit may malalaking kolonya ng foliose Pavona corals na mapapansin sa survey plot. Mapapansin din ang pagkaputi ng ilang branching Acropora corals sa istasyon. Hindi rin gaanong malinaw ang tubig dito.
- Lusay. Malawak ang paglaganap ng lusay sa baybayin ng Butawanan, ngunit karamihan sa kanila ay kalat-kalat na kumpol ng tape seagrass. Walang mapapansing nagsisiksikang mga kumpol ng lusay.
- Komunidad ng mga Isda. May kabuuang 95 species ng isda na naitala mula sa mga survey station sa Butawanan. May 75 species na naitala sa santuwaryo habang 63 ay makikita sa labas nito. Ang relatibong komposisyon ng pangunahin at target na species ng isda sa loob ng santuwaryo ay halos magkatumbas: 33 na pangunahing species at 34 na target species. Ganito rin ang mapapansin sa bahurang nasa labas kung saan may 30 pangunahing species at 27 target species. Ang parehong lugar ay may tig-6 na indicator species. May mahahalagang target species ng isda sa loob ng santuwaryo tulad ng leopard grouper, ngunit hindi ito kasinglaki ng mga indibidwal na isdang mapapansin sa loob ng Penitan Fish Sanctuary. Subalit, maraming sub-adult na indibidwal ng bumphead parrotfish (B. muricatum) ang naitala sa mga transect.
Mga Hamon, Panganib, at Rekomendasyon
Penitan Marine Sanctuary
- Pamamahala ng Santuwaryo. Mayroong mga nauulat na tunggalian sa pagitan ng mga lokal na mangingisda dulot ng pabago-bagong paglagay ng marker buoy sa santuwaryo.
Kinakailangan ng organisasyon ng mga mangingisda ang logistikal na suporta pagdating sa mga kagamitan upang mapalakas ang kanilang kapasidad na mag-monitor at mamahala ng santuwaryo. Makakatulong ang isang GPS unit sa pagguhit ng hangganan ng santuwaryo para sa paglagay ng marker buoys.
May kakulangan sa pagiging tanaw ng mga karatula, signage at outpost upang maging palatandaan ng presensya ng santuwaryo ng mga isda, nang mabigyang-alam ang mga turista at iba pang gumagamit ng likas na yaman.
- Turismo. Kinakailangang magkaroon ng mga hakbang at regulasyon upang makontrol ang epekto ng turismo, partikular na sa pamamahala ng basura. Makakatulong ito upang mapigilan ang pagbaba ng kalidad ng tubig sa karagatan, at maprotektahan ang ganda ng santuwaryo at nakapalibot na dalampasigan.
Nagsimula na ring maglagay ng mga harang na gawa sa lambat ang mga resort operator upang mapigilan ang paglapit ng mga dikya. Subalit, napipigilan nito ang akses ng mga turista sa dalampasigan, at maaaring lumikha ng tunggalian sa paggamit ng mga rekurso at akses sa mga ito.
- Pagguho ng baybayin. Ang pagguho ng baybayin ay mapapansin sa hilagang kanlurang bahagi ng Penitan na nakaharap sa malawak na saklaw ng lusay. Hindi lamang nito nilalagay sa alanganin ang baybayin ng lugar, napapalubog nito ang mga lusay.
Butawanan Marine Sanctuary
- Pamamahala ng Santuwaryo. Laganap ang kakulangan ng malalaking isda sa lugar, na maaaring indikasyong ng mahihinang hakbang sa pagprotekta ng santuwaryo. Tunay nga, at nauulat ang pagpasok ng mga mangingisda mula sa ibang barangay at munisipalidad.
Kinakailangan ang paghahanap at pagguhit ng eksaktong hangganan ng santuwaryo. Walang marker buoys na mapapansin sa lugar, at may mga nauulat na reklamo mula sa mga mangingisda tungkol sa akses sa likas na yaman dulot ng hindi maayos na pag-takda ng hangganan ng santuwaryo. Kailangang iharap sa mga grupong maaapektuhan ang pagtatakda ng hangganan at dapat masang-ayunan muna ito bago maisapinal upang maiwasan ang mga tunggalian. Ang paglalagay ng marker buoys ay makakatulong sa pag-patrol at pagsasatupad ng polisiya ng santuwaryo.
Dahil sa mga mas bukas na bahagi ng santuwaryo, kinakailangan ang mas madalas na pag-patrol at pagpapatupad ng polisiya. Kinakailangan ang logistikal na suporta at kagamitan, tulad ng binoculars, dahil sa lawak ng lugar na sinasaklaw ng santuwaryo. Dagdag dito, may kakulangan sa mga palatandaan ukol sa presensya ng santuwaryo para sa mga bisita tulad ng mga turista at iba pang gumagamit ng likas na yaman. Maaaring kinakailangan ang mga karatula, o signages at outposts.
Maaaring isaalang-alang ang mga estratehiya sa pagsama-sama ng mga tipak ng bato sa loob ng santuwaryo dahil sa dami nito. Maaari itong maging substrate para sa mga batang koral upang yumabong at sakupin ang bahura.
- Turismo. Kailangang magpatayo ng maayos na imprastrakturang pang sanitasyon ang mga operator ng turismo at mga resort upang maiwasan ang polusyon sa tubig.
- Mga Nakasanayang Paraan ng Pagsasaka. Mapapansin ang pagsunog ng damo para sa produksyon ng baka. Ang ganitong gawain ay maaaring magpalantad ng lupa sa ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagguho ng lupa at pagdeposito ng mga latak patungo sa dalampasigan.
Mga Tampok sa Gender Based Analysis Plus (GBA Plus)
- Kababaihan bilang mga Pinuno sa Pangangasiwa at Pamamahala ng Likas na Yaman. May mahalagang papel ang kababaihan sa Siruma sa pangangasiwa ng likas na yaman (natural resource management o NRM), kung saan aktibo silang nakikilahok sa pagpaplano, paggawa ng polisiya, at implementasyon sa pamamagitan ng mga organisasyong pinangungunahan ng kababaihan ngunit hindi eksklusibo para sa kababaihan lamang. Pinapakita ng mga asosasyon at kooperatibang may kinalaman sa NbS ang matibay na pamumuno ng kababaihan, kung saan bumubuo ng mayorya ng mga kasapi ang kababaihan. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang aktibong partisipasyon, marami sa mga matatandang kababaihan ang naiiwan sa mga tungkuling pamunuan, na nagpapakita ng umiiral na ageism o diskriminasyon batay sa edad bilang hadlang sa inklusibong partisipasyon sa pamamahala
- Dami ng Tungkulin ng Kababaihan at Kanilang Pagka-bulnerable sa Karahasang Nakabase sa Kasairan o Gender-Based Violence (GBV). Bagama’t may akses at kontrol ang kababaihan sa paggawa ng desisyon at polisiya ukol sa pamamahala ng likas na yaman, patuloy pa rin silang humaharap sa maramihang pasanin at kahinaan sa harap ng gender-based violence (GBV). Nanatiling nakabase sa kasarian ang distribusyon ng mga gawain, at ang mga umiiral na nakagawiang pananaw sa kasarian ay humahadlang sa ganap na partisipasyon ng kababaihan sa mga gawaing pangkomunidad at pagkakakitaan.
- Mataas na Kamalayan sa Kapaligiran ngunit Tumitinding Suliranin sa Basura. Bagama’t may mataas na antas ng kamalayang pangkalikasan sa Siruma, partikular sa konserbasyon ng bakawan at pangangalaga ng mga pook-pangisdaan—humaharap pa rin ito sa hamon ng pamamahala ng basura. Dahil sa pangangailangan ng alternatibong pagkukunan ng pagkain at kabuhayan, ang ibang mga residente ay bumaling sa pag-aalaga ng hayop sa pamamagitan ng kooperatiba ng mamamayan. Sa kasamaang-palad, wala pang maayos na pamamahala sa basura sa mga sakahang ito, na nagdudulot ng negatibong epekto sa mga pribadong resort at kanilang mga aktibidad sa ekoturismo.
- Epekto ng Pagbabago ng Klima sa Pagsasaka, Pangisdaan, at Ekoturismo. Lubos na naapektuhan ng pagbabago ng klima ang mga tradisyonal na siklo ng agrikultura, pangisdaan, at ekoturismo na nagiging banta sa lokal na kabuhayan. Iniulat ng mga mangingisda ang kahirapan sa paghuli ng isda bunsod ng matitinding kondisyon ng panahon (mas malalakas na bagyo at matinding init at tagtuyot na nakaaapekto sa temperatura ng dagat). Ang matinding init ay nakaaapekto rin sa tubig, na siyang humahadlang sa pagpaparami ng punla ng bakawan at mga panahon ng pagtatanim. Dahil sa nakatuon ang komunidad sa pag-abot ng layunin sa ekoturismo sa pamamagitan ng konserbasyon ng bakawan, nanganganib ang mga inisyatibong ito dahil sa pagbabago ng klima.
- Mga Inisyatibo ng Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan sa mga Programang NRM. Isa sa mga kalakasan ng Siruma ay ang matagal nitong pakikipag-ugnayan sa mga NGO tulad ng Institute of Social Order (ISO) at ADRA sa pagpapatupad ng mga programang NRM at mga programang nakabatay sa kalusugan at karapatan. Tumulong din ang mga organisasyong ito sa pagpapalakas ng mga people’s organizations (POs) upang makapagsimula ng sariling mga inisyatiba sa NRM, at lumahok sa mga aktibidad sa pagpapaigting ng kakayahan na may kaugnayan sa kampanya laban sa karahasan sa kababaihan at bata (violence against women and children o VAWC) at sa karapatang sekswal at reproduktibo (sexual and reproductive health and rights o SRHR).
- Hindi Aktibong Pagsasama ng mga Bulnerableng Sektor ng Komunidad. Bagama’t kinikilala ang pangangailangang maging inklusibo, nananatiling hindi sapat ang pagsasama sa mga bulnerableng sektor ng lipunan gaya ng LGBTQI+ na komunidad, mga taong may kapansanan (PWDs), at mga nakatatanda. May pangangailangan para sa mas aktibong pagsasama ng mga sektor na ito sa mga proseso ng paggawa ng desisyon at implementasyon ng mga programa.
IV. Site-based Grants: Mga Angkop na Gawain
Ang bawat site-based grant ay nasa pagitan ng Php 2 Milyon at Php 6 Milyon, na may panahon ng pagpapatupad na dalawang taon (2) na magsisimula sa Oktubre 2025.
Ang mga site-based grant sa ilalim ng Programa ay direktang susuporta sa mga NbS na nakabatay sa kasarian at komunidad upang makatulong na mabawasan ang kahinaan at palakasin ang katatagan sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa mga natukoy na lugar ng proyekto. Ang mga NbS na ito ay tutugon sa mga resulta ng VRA at GBA Plus, alinsunod sa mga buod na nasa itaas.
Ang talahanayan sa ibaba ay naglilista ng mga potensyal na NbS na maaaring tumugon sa mga prayoridad na isyu na natukoy sa pamamagitan ng VRA. Ang mga site-based grant ay ibibigay sa mga proyektong naglalayong ipatupad ang mga potensyal na NbS na ito, ngunit hindi limitado sa mga ito. Ang mga proponent ay hinihimok na magpakilala ng iba pang subok o makabagong NbS, lalo na ang mga halaw sa lokal na karanasan at kasanayan.
Buod ng Risk Assessment sa Buang River Watershed
(Listahan ng mga Barangays kada Exposure Units)
Hazard | Community Risk | Ecosystem-Related Risk | Potential NbS |
Flooding | 1 residential barangay has intermediate risk from flood hazard.Approximately 68 households are at intermediate risk from flood hazard. | Forest areas of 2 barangays have high to very high risk from flood hazard.Agriculture areas of 5 barangays have intermediate to very high risk from flood hazard.Coastal areas of 4 barangays have high to very high risk from flood hazard. | Flood mitigation initiatives (e.g., women-led reforestation, afforestation, natural water retention ponds) Community-based forestry and agroforestry (e.g., women-managed nursery of native trees, mangroves, fruit-bearing and high-value crops, livelihood linked with agroforestry and non-timber forest products benefitting women members of community organizations) |
Rain-induced Landslides | All residential barangays are not at-risk from rain-induced landslides.All households are safe from rain-induced landslides. | Forest areas of 1 barangay has intermediate risk from rain-induced landslides.All barangays with agriculture and coastal areas have low to intermediate risk from rain-induced landslides. | Reforestation/ afforestation of the headwaters of the watershed (e.g., women-managed nursery of native trees, women leaders as patrollers such as Bantay Bakawan) Pioneer and fast-growing species that can be used for reforestation and/or afforestation found in the watersheds are the; Balinghasai (Buchanania arborescens), Anabiong (Trema orientale), Binunga (Macaranga tanarius), Kariskis (Albizia lebbekoides), Narra (Pterocarpus indicus), Hauili (Ficus septica), Bangkoro (Morinda citrifolia), (Artocarpus multifidus). Talisai (Terminalia catappa), Banato (Mallotus philippensis), Banaba (Lagerstroemia speciosa), Anislag (Securinega flexuosa), Bakauan gubat (Carallia brachiata), Badyang (Alocasia portei), and Pianga (Madhuca obovatifolia). Strengthening of riverbanks that are prone to slope failure (e.g., use of vetiver grass, establishing freshwater mangrove, bamboo propagation) Species found in the watersheds that can help in strengthening riverbanks and protect soil from erosion are the Kayong (Glochidion littorale), Bitongol (Flacourtia rukam), and Ambalag (Mischocarpus pentapetalus), Anislag (Securinega flexuosa). Community-based forestry and agroforestry (e.g., women-managed nursery of native trees, mangroves, fruit-bearing and high-value crops, livelihood linked with agroforestry and non-timber forest products benefitting women members of community organizations) |
Storm Surge | All residential barangays are not at-risk from storm surge.All households are safe from storm surge. | Forest areas of 1 barangay have intermediate risk from storm surge.Agriculture areas of 4 barangays have intermediate to high risk from storm surge.All barangays with coastal areas have high to very high risk from storm surge. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks (e.g., women-led mangrove reforestation)Species found in the watersheds that can help in windbreaks are the: Bitaog (Calophyllum inophyllum) and Pandan dagat (Pandanus tectorius). Seagrass and coral reef protection and conservation (e.g., women-led seagrass conservation, women patrollers for regularly monitoring of the status of seagrass ecosystem) Rubble consolidation strategies to provide a more stable substrate for coral recruitment and recolonization Management of Marine Protected Areas (e.g., participation of women in marine management plan development or coastal resource management plans, women patrollers or Bantay Bakawans, Bantay Dagat) Boundary delineationHigher visibility in terms of patrolling, installation of marker buoys, and signageStricter policy implementation Strengthening and expansion of women-managed local conservation areas |
Storm surge with sea level rise | All residential barangays are not at-risk from storm surge with sea level rise. All households are safe from storm surge with sea level rise. | Forest areas of 1 barangay have intermediate risk from storm surge with sea level rise. Agriculture areas of 4 barangays have intermediate to high risk from storm surge with sea level rise. All barangays with coastal areas have high to very high risk from storm surge with sea level rise. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks (e.g., women-led mangrove reforestation) Floating agriculture Sea grass and coral reef protection and conservation (e.g., women-led seagrass conservation, women patrollers for regularly monitoring of the status of seagrass ecosystem) Rubble consolidation strategies to provide a more stable substrate for coral recruitment and recolonization Management of Marine Protected AreasBoundary delineationHigher visibility in terms of patrolling, installation of marker buoys, and signageStricter policy implementation Strengthening and expansion of women-managed local conservation areas |
Severe Winds | All residential areas barangays are at high to very high risk from severe winds. All households are at high to very high risk from severe winds. | All barangays with forest, agriculture, and coastal areas have high to very high risk from severe winds. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks (e.g., women-led mangrove reforestation)Species found in the watersheds that can help in windbreaks are the: Bitaog (Calophyllum inophyllum) and Pandan dagat (Pandanus tectorius). |
*Baseline (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP) RCP 8.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP)
Buod ng Risk Assessment sa Delehi River Watershed
(Listahan ng Barangays kada Exposure Unit)
Hazard | Community Risk | Ecosystem-Related Risk | Potential NbS |
Flooding | 4 residential barangays have intermediate to very high risk from flood hazard Approximately 763 households are at intermediate to very high risk from flood hazard. | All barangays with forest areas have high to very high risk from flood hazard. Agriculture areas of 10 barangays have intermediate to very high risk from flood hazard. All barangays with coastal areas have intermediate to very high risk from flood hazard. | Flood mitigation initiatives (e.g., women-led reforestation, afforestation, natural water retention ponds) Community-based forestry and agroforestry (e.g., women-managed nursery of native trees, mangroves, fruit-bearing and high-value crops, livelihood linked with agroforestry and non-timber forest products benefitting women members of community organizations) |
Rain-induced Landslides | All residential barangays are not at-risk from rain-induced landslides.All households are safe from rain-induced landslides. | All barangays with forest areas have intermediate risk from rain-induced landslides.Agriculture areas of 9 barangays have intermediate to high risk from rain-induced landslides.All barangays with coastal areas have low to intermediate risk from rain-induced landslides. | Reforestation/ afforestation of the headwaters of the watershed (e.g., women-managed nursery of native trees, women leaders as patrollers such as Bantay Bakawan) Pioneer and fast-growing species that can be used for reforestation and/or afforestation found in the watersheds are the; Balinghasai (Buchanania arborescens), Anabiong (Trema orientale), Binunga (Macaranga tanarius), Kariskis (Albizia lebbekoides), Narra (Pterocarpus indicus), Hauili (Ficus septica), Bangkoro (Morinda citrifolia), (Artocarpus multifidus). Talisai (Terminalia catappa), Banato (Mallotus philippensis), Banaba (Lagerstroemia speciosa), Anislag (Securinega flexuosa), Bakauan gubat (Carallia brachiata), Badyang (Alocasia portei), and Pianga (Madhuca obovatifolia). Strengthening of riverbanks that are prone to slope failure (e.g., use of vetiver grass, establishing freshwater mangrove, bamboo propagation) Species found in the watersheds that can help in strengthening riverbanks and protect soil from erosion are the Kayong (Glochidion littorale), Bitongol (Flacourtia rukam), and Ambalag (Mischocarpus pentapetalus), Anislag (Securinega flexuosa). Community-based forestry and agroforestry (e.g., women-managed nursery of native trees, mangroves, fruit-bearing and high-value crops, livelihood linked with agroforestry and non-timber forest products benefitting women members of community organizations) |
Storm Surge | All residential barangays are not at-risk from storm surge.All households are safe from storm surge. | All barangays with coastal areas have high to very high risk from storm surge.Agriculture areas of 4 barangays have intermediate to high risk from storm surge with sea level riseAll barangays with Forest areas are not at-risk from storm surge. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks (e.g., women-led mangrove reforestation)Species found in the watersheds that can help in windbreaks are the: Bitaog (Calophyllum inophyllum) and Pandan dagat (Pandanus tectorius). Seagrass and coral reef protection and conservation (e.g., women-led seagrass conservation, women patrollers for regularly monitoring of the status of seagrass ecosystem) Rubble consolidation strategies to provide a more stable substrate for coral recruitment and recolonization Management of Marine Protected Areas (e.g., participation of women in marine management plan development or coastal resource management plans, women patrollers or Bantay Bakawans, Bantay Dagat) Boundary delineationHigher visibility in terms of patrolling, installation of marker buoys, and signageStricter policy implementation Strengthening and expansion of women-managed local conservation areas |
Storm surge with sea level rise | All residential barangays are not at-risk from storm surge with sea level rise.All households are safe from storm surge with sea level rise. | All barangays with coastal areas have high to very high risk from storm surge.Agriculture areas of 4 barangays have intermediate to high risk from storm surge with sea level riseAll barangays with Forest areas are not at-risk from storm surge. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks (e.g., women-led mangrove reforestation) Floating agriculture Seagrass and coral reef protection and conservation (e.g., women-led seagrass conservation, women patrollers for regularly monitoring of the status of seagrass ecosystem) Rubble consolidation strategies to provide a more stable substrate for coral recruitment and recolonization Management of Marine Protected Areas (e.g., participation of women in marine management plan development or coastal resource management plans, women patrollers or Bantay Bakawans, Bantay Dagat) Boundary delineationHigher visibility in terms of patrolling, installation of marker buoys, and signageStricter policy implementation Strengthening and expansion of women-managed local conservation areas |
Severe Winds | All residential barangays are at high to very high risk from severe wind.All households are at high to very high risk from severe wind. | All barangays with forest, agriculture, and coastal areas have high to very high risk from severe wind. | Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks e.g., women-led mangrove reforestation) Species found in the watersheds that can help in windbreaks are the: Bitaog (Calophyllum inophyllum) and Pandan dagat (Pandanus tectorius). |
*Baseline (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP) RCP 8.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP)
Bibigyang prayoridad ang mga panukalang NbS na kinikilala ang pamumuno ng mga kababaihan at kanilang papel sa pagdisenyo, pagsasagawa, at pagmomonitor ng coastal at marine NbS, tulad ng mga gawain sa pagpapanumbalik ng mga bakawan, ng mga marine protected area (MPA), at coastal resource management, at nagpapalakas sa kanilang pamumuno at pagpapatupad ng proyekto at pamamahala sa kanilang mga likas na pinagkukunan. Ang mga proponent ay hinihikayat na sumangguni sa mga kahinaan at kakulangang panlipunan at pangkasarian na natukoy sa GBA Plus. Sa buong pagpapatupad, ang mga aktibidad at inobasyon na may kaugnayan sa kasarian ay dapat ipakilala, subukan, at/o iakma upang masuportahan ang epektibong paghahatid ng mga resulta.
Kasama ng mga nabanggit na interbensyon, ang mga proposal ay maaari ring isama ang mga sumusunod o katulad na aktibidad bilang suporta sa NbS, habang binibigyang prayoridad ang NbS at sinisigurong magkaugnay ang mga gawaing ito:
- Pagbuo at pagkakaroon ng iba’t ibang mga gender-responsive na negosyong pangkomunidad at sustainable livelihoods, at tuloy-tuloy na kabuhayan, alinsunod sa paraan ng pagprotekta sa saribuhay;
- Mga aktibidad ng pagsasalehitimo at pagrerehistro ng mga organisasyon at grupong pang komunidad at mga indibidwal na kasapi;
- Pangkomunidad na pagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang kabundukan at dalampasigan/karagatan (hal., pagpapatrolya, mga kagamitan at kasangkapan);
- Mga lokal na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang sektor at pagpapalakas ng mga samahan; at/o
- Pangkomunidad na sistema ng pagkain (hal. community garden, pagsasaka sa kalunsuran, farmers market) upang masuportahan ang akses sa pagkain.
- Pagkilala ng ambag ng mga kababaihan at mga bulnerableng sektor sa coastal/marine resources management (e.g. pagtugon sa unpaid work o pagtatrabaho nang walang bayad, multiple burden sa mga kababaihan, at simpleng partisipasyon lamang sa pagpaplano at pagasagawa ng proyekto).
Hinihikayat din ang mga proponent na lumikha ng mga proyekto na umaayon sa mga lokal/pangkomunidad na plano at balangkas, at isasaalang-alang din maging ang mga proyektong naipatupad na sa lugar.
V. Site-based Grants: Mga Maaaring Tumanggap ng Pondo
Ang site-based grants ay bukas para sa lahat ng mga kwalipikadong tagapagtaguyod o proponent na interesadong magpatupad ng mga proyekto sa mga natukoy na lugar sa Camarines Sur. Ang mga kwalipikadong entidad sa Pilipinas na maaaring tumanggap ng mga pondong ito ay kinabibilangan ng:
- Mga non-government organizations (NGOs) na aktibo sa Pilipinas at lumalahok sa pangangalaga ng kapaligiran, kaunlaran, edukasyon, siyentipikong pananaliksik, pamamahala ng ekosistema, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at/o iba pang kaugnay na larangan. Ang NGOs ay tumutukoy sa mga non-government organizations na maayos na nakarehistro ayon sa mga batas ng Pilipinas;
- Mga organisado at/o kinikilalang community-based organizations, people’s organizations (POs), indigenous peoples’ organizations (IPOs), at/o women’s rights organizations (WROs) na nagtatrabaho sa larangan ng kapaligiran at/o kaunlaran; at
- Ibang angkop na lokal o rehiyonal na entidad na aktibo sa Pilipinas..
Maaaring maghain ng iisang proposal para sa pinagsanib na mga proyekto ang isang samahan bilang proponent, para sa ilang mga samahan na bumubuo ng isang consortium o grupo, na may pinagkasunduang layunin para sa kalalabasan ng proyekto, para suportahan ang mga conservation agreement, o batay sa lokal na plano sa kaunlaran (local development plans).
Bibigyang-prayoridad ang mga samahan na nagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan.
Ang mga proponent ay hinihimok na magbigay ng katibayan ng suporta para sa iminungkahing proyektong NbS mula sa mga target o benepisyaryong komunidad, at maipakita ang nabuong pakikipag-ugnayan at pagtutulungan kasama ang mahahalagang lokal na yunit ng pamahalaan.
VI. Site-based Grants: Proseso ng Pagpasa
Para makapag-aplay sa site-based grant, ang mga kwalipikadong organisasyon ay kinakailangang kumpletuhin at isumite ang mga kinakailangang dokumento na nakalista sa ibaba.
Mga Kinakailangan para sa mga Proposal o Aplikasyon ng Proyekto
Full Proposal | ✓ |
Annex A. Work and Budget Plan | ✓ |
Annex B: Project Monitoring and Evaluation Framework | ✓ |
Annex C: Proponent Information Sheet | ✓ |
Ang buong proposal at iba pang mga template ay maaaring i-download mula sa Grant Portal sa Forest Foundation website, mula sa link na ito, at pwedeng i-request sa email sa pcp4nbs@forestfoundation.ph.
Ang kumpletong proposal at mga annex ay dapat na i-upload at isumite sa Grant Portal bago o sa takdang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa July 21, 2025.
VII. Site-based Grants: Pagsuri at Pag-apruba sa Proposal
Ang mga project proposals ay paunang susuriin upang matukoy ang kaangkupan at pagkakumpleto ng disenyo at teknikal na aspeto. Ang mga proposals na tumutugon sa mga pamantayang ito ay iaakyat sa Program Committee ng Foundation, na maghahanda at magsusumite ng mga rekomendasyon sa Board of Trustees (BOT) tungkol sa mga proposals na mapipiling pondohan.
Inaasahang isasama ng mga proyekto ang pagkakaugnay ng klima, saribuhay at kasarian at ihahanay ang kanilang mga iminungkahing aktibidad at awtput sa mga target na resulta at prayoridad ng Programa. Ang mga panukala ay susuriin sa isang holistikong paraan, ayon sa: (a) pangkalahatang mga pamantayan sa pagiging maayos, kakayahang maisakatuparan, at pagsunod sa Logic Model ng Programa (tingnan ang Pigura 1); (b) mga pamantayan na partikular sa NbS; at (c) iba pang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS.
Ang mga proposal ay dapat tumutugon sa mga pangkalahatang pamantayan at nagpapakita na ang proyekto ay isang NbS. Samantala, ang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS ay hindi kinakailangan ngunit maaaring magpatibay ng proposal.
Kailangan matugunan ng proposal ang mga sumusunod na pangkalahatang pamantayan:
- Teknikal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa (Technical soundness and feasibility);
- Pinansiyal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa (Financial soundness and feasibility);
- Panlipunan na kawastuhan at posibilidad na maisagawa (Social soundness and feasibility);
- Kakayahan ng organisasyon na isakatuparan ang proyekto;
- Malinaw na mga bunga at resulta na may mataas na posibilidad ng tagumpay (magagawa at matutupad sa loob ng takdang pondo at panahon); at
- Kahanay sa mga inaasahang resulta (output at outcome) ng Logic Model ng Programa (tingnan ang Figure 1).
Kailangang maipakita ng proposal na ang proyekto ay isang nature-based solution, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
- Tumutugon ba ang proyekto sa mga pangunahing isyu na natukoy sa VRA, GBA Plus, at MBA?
- Nasosolusyunan ba ng proyekto ang mga lokal na pangangailangan sa pag-angkop sa pagbabago ng klima?
- May direktang ambag ba ito sa pagpapanumbalik, pamamahala, at/o pag-iingat ng mga ekosistema o serbisyo mula rito?
- Naglalayon ba itong tumugon sa mga hamong panlipunan, maliban sa mga isyu ng pangangalaga sa kalikasan?
- Nagbibigay ba ito ng kaakibat na benepisyo para sa saribuhay?
- Sinusulong ba nito ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (gender equality) sa disenyo nito at sa pagsasakatuparan?
Maaaring mapalakas ang proposal kung sinasagot nito ang mga sumusunod na tanong, na nagpapakita ng mga aksyong sumusuporta sa NbS (ang mga ito ay opsyonal):
- Sinusuportahan ba ng proyekto ang paglikha ng mga negosyong pangkomunidad at tuloy-tuloy na kabuhayan na isinasaalang-alang ang kasarian, na nakaayon sa proteksyon ng saribuhay?
- Tinutulungan ba ng proyekto na patatagin ang mga organisasyon at hikayatin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor?
- Nakapag-aambag ba ng proyekto sa pagpapalakas ng komunidad at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lugar?
- Sinusuportahan ba ng proyekto ang transdisiplinaryong pagbabahagi ng kaalaman, estratehikong komunikasyon, at/o mga mekanismo at proseso ng pagkatuto upang bumuo ng kakayahan sa NbS tungo sa makabuluhang pagbabago?
- Nilalayon ba ng proyekto na masunod ang iba pang mga pamantayan ng NbS ayon sa IUCN Global Standard for NbS?
Ipababatid ng Foundation sa publiko ang mga napiling proyekto. Kapag naaprubahan na ang isang proposal, ang Foundation ay papasok sa isang legal na kasunduan o Special Fund Agreement kasama ang tagapagpatupad ng proyekto/grantee.
VIII. Timeline
Para sa yugtong ito ng mga proposals para sa site-based grants, pakitandaan ang panahon ng paggugol sa ibaba.
Panahon (Timeline) ng Pagpasa at Pagsuri ng Proposal
Gawain | Tentatibong Iskedyul |
Request for Proposals (Pagpapabatid) | Hunyo 20, 2025 |
Project Development Workshop (Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto) | Hunyo 18-19, 2025 |
Deadline para sa mga Teknikal na Katanungan | Hunyo 30, 2025 |
Deadline of Submission of Proposals | Hulyo 21, 2025 |
Deadline ng Pagpasa ng Proposal | Hulyo – Agosto 2025 |
Pagpapasya ng BOT | Setyembre 2025 |
Pagpapahayag ng mga Resulta | Setyembre – Oktubre 2025 |
Pagsisimula ng Pagpapatupad ng mga Proyekto | Oktubre 2025 |
Magsasagawa ng isang Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto (Project Development Workshop) upang magbigay ng karagdagang impormasyon patungkol sa Program, sa saklaw ng site-based grants, ang mga klase ng proyekto na maaaring suportahan, teknikal na tulong sa proseso ng aplikasyon para pag-ibayuhin at palakasin ang proposal na posibleng mapondohan. Ang pagsasanay na ito ay bukas sa lahat ng mga kwalipikadong proponent ng proyekto sa Camarines Sur. Kung kinakailangan, maaaring magsagawa rin ng mga information sessions patungkol sa proseso ng pagbalangkas at pagsumite ng proposals.
Maaaring mag-email sa Foundation (pcp4nbs@forestfoundation.ph) kung kinakailangan ng tulong sa pagbuo ng proposal. Ang mga teknikal na katanungan, o mga tanong na may kinalaman sa pagsusuri at pag-apruba ng mga proposal sa Seksyon VII, ay tatanggapin lamang hanggang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa Hunyo 30, 2025.
Lahat ng mga proposal ay dapat maisumite sa Grant Portal nang hindi lalampas sa 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa Hulyo 18, 2025. Ang mga proposal na matatanggap pagkatapos ng deadline ay maaaring bigyang konsiderasyon batay sa natitirang pondo, at/o isama at suriin sa ilalim ng susunod na RFP.
IX. Contact
Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS)
Forest Foundation Philippines
1F Valderrama Bldg., 107 Esteban St., Legaspi Village
1229 Makati City, Philippines
PCP4NbS Phone: (+63 2) 8716 4067;
Forest Foundation Phone: (+63 2) 8891 0595; (+63 2) 8864 0287
Forest Foundation Website | PCP4NbS Website l Grant Portal
Facebook | Instagram | Youtube | X
Email: pcp4nbs@forestfoundation.ph