GET INVOLVED

Special Fund for Nature-based Solutions: Site-based Grants in Negros Occidental (Filipino)

Huling Araw ng Pagsumite: Disyembre 20, 2024

[I-click ito upang ma-download ang .pdf na bersyon ng RFP]

[I-click ito upang basahin ang bersyon ng RFP sa Ingles]

[I-click ito upang basahin ang bersyon ng RFP sa Hiligaynon]

I. Kaligiran at mga Layunin

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa buong mundo na pinakananganganib  dahil sa pagbabago ng klima. Matatagpuan sa typhoon belt at ring of fire sa Karagatang Pasipiko, ang bansa ay madaling tamaan ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, mga bagyo, tagtuyot, at pagguho ng lupa. Upang ito’y masuong at hindi matinag sa harap ng krisis sa klima, kailangang patuloy na palakasin ng Pilipinas ang kakayahan nitong maging matatag sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng isang komprehensibong pamaraan kabilang ang mga estratehiya para sa pag-iibsan at pag-aangkop sa epekto ng nagbabagong klima.

Ang pag-angkop sa pagbabago ng klima ay pangunahing kailangan upang baguhin ang takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino at maglatag ng landas patungo sa pagpapatibay ng katatagan at pagkamit ng likas kayang pag-unlad. Ang mga pagsisikap tungo sa adaptasyon ay dapat na nakabatay sa pagpapabuti ng malawakang pag-unawa sa mga epekto ng klima, pagpapalakas ng kapasidad para sa pag-angkop sa klima, pagpapatibay sa suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng mga polisiya at iba pang tulong, at pagtitiyak sa pakikilahok ng lahat sa paggawa ng desisyon, lalo na ng mga kababaihan at lokal na komunidad.

Sa konteksto ng mga hamon sa pag-unlad ng isang bansang mayaman sa saribuhay, ang Forest Foundation Philippines (“Forest Foundation” o “the Foundation”), sa tulong ng pondo mula sa Pamahalaan ng Canada, ay nagsasagawa ng Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS) (ang “Programa”). Ipatutupad ito mula 2024 – 2028 at nagkakahalaga ng CA $8 Milyon (tinatayang PhP 332 Milyon), ang programa ay nais makapag-aambag sa pagpapalakas ng katatagan ng klima sa mga komunidad, partikular sa mga kanayunan at katutubong kababaihan, habang tinitiyak ang benepisyo ng bawat isa, mula sa likas-yaman at malusog na ekosistema.

Nakaugat sa mga gabay na prinsipyo ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) Global Standard for Nature-based Solutions, ang inisyatibong ito ay partikular na tututok sa pangangalaga sa saribuhay, pag-angkop sa pagbabago ng klima, at pagtitiyak ng pagkakapantay-pantay ng kasarian  sa pamamahala ng mga likas-yaman.

Tinukoy ng programang PCP4NbS ang Negros Occidental bilang isa sa mga prayoridad na lugar nito. Ang Negros Occidental ay bahagi ng Negros-Panay faunal region sa Gitnang Pilipinas, isang prayoridad sa konserbasyon dahil sa mataas na konsentrasyon ng mga katutubong uri ng mga hayop at halaman (endemic species) at sa tindi ng mga banta na kinakaharap nito, kabilang ang mga gawain ng tao na sumisira sa kalikasan, at mga epekto ng pagbabago ng klima na nakakaapekto sa mga halaman, hayop, kababaihan, at mga komunidad.

Partikular na pagtutuunang pansin ang Malogo River Watershed at Sicaba River Watershed, na natukoy ng programa bilang mga target nitong lugar sa lalawigan. Titiyakin ng PCP4NbS na ang mga solusyong nakabatay sa kalikasan ay maisasagawa sa mga target na lugar at magbubunga ng mga resulta na naaayon sa Logic Model ng Programa (Tingnan ang Pigura 1).

Pigura 1. Logic Model ng PCP4NbS

II. Special Fund para sa NbS

Upang suportahan ang masangkot na pagbubuo, pagpapatupad, at pagpapaibayo ng mga proyekto ng NbS para sa adaptasyon sa pagbabago ng klima,  nagtatag ng isang Special Fund sa ilalim ng programa. Layunin ng Special Fund na:

  • Palakasin ang kapasidad ng mga kababaihan at komunidad sa pagbubuo/pagdidisenyo at pagpapatupad ng NbS na may mga benepisyo para sa saribuhay;
  • Tiyakin ang pakikilahok ng mga kababaihan at komunidad sa pagtatanggol, pagpapabuti, at pagpapanumbalik ng mga ekosistema at saribuhay; at
  • Protektahan at mas mapataas ang saribuhay na nagbibigay ng iba’t ibang produkto at serbisyo mula sa ekosistema.

Ang disenyo at implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Special Fund ay alinsunod sa Results Framework ng Foundation mula 2023-2027. Kasabay nito, palalawakin ang tuloy-tuloy na pamamahala ng mga kagubatan, dalampasigan at karagatan na mga ekosistema. Tutugunan nito ang pangangailangang mapanatili ang tubig, lupa, at saribuhay, at isusulong ang mga aksyong pangklima na nakabatay sa kalikasan). Susuporta ang pondo sa mga proyektong maaaring magtatag ng mga pangmalakihang estratehiya na may malawakang partisipasyon at koordinasyon, para siguruhin na matutugunan ng Programa ang iba’t ibang pangangailangan sa lokal, habang nag-aambag din sa mga nasyonal na mithiin o target.

Susuportahan ng Special Fund ang tatlong uri ng mga grant sa buong mga taon ng Programa: (1) site-based grants para sa pagpapatupad ng NbS sa natukoy na mga lugar; (2) thematic grants para ipakita ang NbS; at (3) public support grants upang mapanatili ang suporta ng publiko para sa NbS. Ang Request for Proposals na ito ay tungkol sa mga aplikasyon para sa Site-based Grants sa Negros Occidental.

III. Site-based Grants: Saklaw ng Heograpiya at Mga Prayoridad na Isyu

Ito ay isang Request for Proposals para sa NbS sa  Negros Occidental, kung saan ang mga inisyatibo ay tututok sa Malogo River Watershed at Sicaba River Watershed. Ang natukoy na mga lugar ay kinabibilangan ng mga sumusunod na barangay:

Malogo River WatershedSicaba River Watershed
Brgy. Celestino Villacin, Cadiz City
Brgy. Cabatangan, City of Talisay
Brgy. San Fernando, City of Talisay
Brgy. XI (Gawahon), City of Victorias
Brgy. XIII, City of Victorias
Brgy. XIX, City of Victorias
Brgy. XIX-A, City of Victorias
Brgy. XX, City of Victorias
Brgy. Igmaya-an, Don Salvador Benedicto
Brgy. Pandanon, Don Salvador Benedicto
Brgy. Alacaygan, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Alicante, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Canlusong, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Consing, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Cudangdang, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Damgo, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Manta-angan, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Nanca, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Pasil, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. San Isidro, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Tanza, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Eustaquio Lopez, Silay City
Brgy. Kapitan Ramon, Silay City
Brgy. Patag, Silay City
Brgy. Andres Bonifacio, Cadiz City
Brgy. Burgos, Cadiz City
Brgy. Cadiz Viejo, Cadiz City
Brgy. Caduha-an, Cadiz City
Brgy. Celestino Villacin, Cadiz City
Brgy. Luna, Cadiz City
Brgy. Sicaba, Cadiz City
Brgy. V. F. Gustilo, Cadiz City
Brgy. X (Estado), City of Victorias
Brgy. XI (Gawahon), City of Victorias
Brgy. San Isidro, Enrique B. Magalona (Saravia)
Brgy. Purisima, Manapla
Brgy. San Pablo, Manapla
Brgy. Santa Teresa, Manapla

Upang matiyak ang pagiging epektibo at kakayahang tumugon ng Programa sa pag-aambag sa mga positibong resulta sa mga natukoy na lugar, isinagawa ang Vulnerability and Risk assessment (VRA) at Gender-Based Analysis-Plus (GBA Plus). Ang mga pagsusuring ito ay makatutulong sa Programa na makamit ang mga layunin nito kaugnay ng klima, biodiversity, at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng angkop at tumutugon sa kasarian na NbS.

Ang mga resulta ng mga pagsusuri na nakabuod sa ibaba ay nagbibigay ng batayan para matukoy ang mga pangunahing isyung kailangang tugunan at ang mga interbensyong susuportahan dito.

Mga Tampok sa  Vulnerability at Risk Assessment (base sa pagsusuri ng mga panganib):

Malogo River Watershed 

  • Ang mga barangay na nasa ibaba ng Malogo River Watershed ay nanganganib sa pagbaha. Ang panganib ng pagbaha ay nagaganap dahil sa pag-ulan (sa panahon ng matitinding kaganapan) na nagdudulot ng malakas na buhos ng ulan, kaya’t ang labis na tubig ay umaapaw mula sa likas na daluyan ng Malogo River Watershed.
  • Naobserbahan ang mga insidente ng pagguho ng lupa sa kanlurang paanan ng Northern Negros Natural Park (NNNP), na pangunahing binubuo ng mga tabing-ilog na maaaring madaling dumausdos kapag matindi ang pag-ulan.
  • Ang daluyong-bagyo (storm surge) ay makaaapekto sa mga baybayin ng Malogo River Watershed, lalo na sa mga mabababang lugar na sumasaklaw sa mga sakahang malapit sa baybayin at kabakawan. Samantala, ang pagbaha ay nakatuon lamang sa mga mabababang baybaying lugar ng tubig kanlungan (watershed).
  • Katulad ng daluyong-bagyo, ang mga banta ng pagtaas ng lebel ng dagat sa hinaharap ay matatagpuan sa mga baybaying bahagi ng Malogo River Watershed, kasama na ang ilang mga lupaing pansakahan.
  • Ang malalakas na hangin ay pare-parehong nangyayari sa lahat ng bahagi ng Malogo River Watershed, ngunit ang lakas ng mga ito ay maaaring mag-iba batay sa kung gaano kadalas nangyayari. Inaasahang magkakaroon ang lugar ng mga hangin na mas hindi madalas ngunit mas mapanira.

Sicaba River Watershed

  • Ang mga agrikultural na lugar sa Sicaba River Watershed ang may pinakamataas na panganib sa pagbaha. Sa panahon ng malalakas na pag-ulan, tulad ng kaakibat ng mga bagyo, umaapaw ang ilog at maaaring magdulot ng pagbaha sa mga barangay na nasa mababang kalupaan at malapit sa likas na daluyan ng Sicaba River.
  • Ang itaas na bahagi ng Sicaba River watershed ay mataas at matarik, kaya ito ay madaling maapektuhan ng pagguho ng lupa sa mga panahon ng matindi ang pagbuhos ng ulan. 
  • Ang pagbaha sa baybayin dahil sa daluyong-bagyo (storm surge) ay makikita sa dalawang baybayin na barangay ng Barangay Luna at Barangay Sicaba sa loob ng Sicaba River Watershed. Ang pagbaha dito ay nangyayari dahil sa pagiging patag ng lugar at malapit sa baybayin. Sa panahon ng mga bagyo, ang malalakas na hangin dulot ng bagyo ay kayang itulak ang tubig mula sa dagat sa mga mababang lugar, na nagiging sanhi ng pagbaha. Maaaring umabot ang mga storm surge kahit sa mga lugar na nasa looban.
  • Ang mga lugar na mababa at malapit sa baybayin ay nanganganib sa pagtaas ng lebel ng dagat. Sa hinaharap, ang silangang baybayin ng tubig kanlungan ay makararanas ng pagtaas ng lebel ng dagat. Pagdating ng 2039, humigit-kumulang 20.25 ektarya ang malulubog, kung saan maaaring umabot sa baybayin at sa bukas na daluyan ng Ilog Sicaba. Pagdating ng 2065, maaaring tumaas pa ito ng 186.23 ektarya. Ang pagtaas ng antas ng dagat ay makaaapekto sa mga mabababang lugar tulad ng mga bukas na kanal, palaisdaan, at kabakawan.

Mga Tampok sa Gender-Based Analysis-Plus (GBA Plus)

  • Ang pagpapaunlad ng kakayahan sa Gender and Development (GAD) at mga patakaran na may kaugnayan sa kasarian ay karaniwang bahagi ng pagpapatupad ng proyekto. Ang mga umiiral na mga mekanismo ng Lokal na Pamahalaang Panlalawigan  na nagsusulong sa mga konseptong pangkasarian ay mahalaga sa integrasyong pangkasarian at pamamahala ng likas yaman.
  • Karamihan sa mga nangunguna sa mga samahan ay lalaki. Gayunpaman, nagsisimula na umusbong ang mga kabataang lider, at ang mga organisasyon ay pumipili  ng mga babae sa mga posisyon ng pamumuno.
  • Ang mga babae ay gumaganap ng mga tungkulin bilang mga prodyuser, tagapamahala ng komunidad, espesyalista sa pagmemerkado, tagapag-alaga, at tagapangalaga ng mga bukirin. Tinutulungan sila ng mga kalalakihan sa sambahayan sa mga gawaing pag-aalaga, partikular sa pag-aalaga ng mga bata, kapag kailangang dumalo ang mga babae sa mga pagpupulong o pagsasanay at gumawa ng mga gawain para sa kanilang mga grupo sa komunidad.
  • Ang trabaho ng bantay bukid (tagapagbantay o patrolya ng bukid) ay itinuturing na delikado at mas akma para sa mga kalalakihan. Ibinahagi ng mga kalalakihan sa FGDs na walang kababaihang bantay bukid, at ang ilan ay nagsabing ipinagbabawal ang pagsali ng mga kababaihan sa grupo ng mga nagpapatrolya.
  • Sa mga pagsasanay sa loob ng mga asosasyon, ang kalakaran ay ang mga kalalakihan ang tinuturuan sa pagpapagana ng mga kagamitan (hal., depulper at grinder sa produksyon ng kape) habang ang mga kababaihan naman ang sinasanay sa packaging, labelling, at marketing. Ang ganitong sistema ay naglilimita sa akses ng kababaihan sa mga kagamitan na ibinibigay sa asosasyon.
  • Ang mga kabuhayan ang pangunahing kagyat na pangangailangan. Kalusugan, edukasyon, karahasan laban sa kababaihan, kapayapaan at kaayusan, sunog sa kagubatan, at pagbaha ang mga nabanggit sa mga panayam bilang mga pangalawang alalahanin liban sa pangangailangan ng kita at pagkain para sa mga pamilya.
  • Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa kanilang pagmamay-aring lupa. Ang mga certificates of stewardship contracts (CSC) ng mga samahan na nakapanayam ay wala nang bisa. Ang pag-uusap tungkol sa mga alternatibong kasunduan sa pagmamay-ari ay patuloy pa rin.
  • Ilan sa mga nature-based solutions na isinasagawa ng mga samahan na nakapanayam ay organikong pagsasaka, pagtatanim ng mga katutubong pananim at puno (kabilang ang cinnamon, batwan, lauan, at uding), at ang pagsasagawa ng dagyaw o bayanihan (mutual aid).

IV. Site-based Grants: Mga Gawaing Maaaring Pondohan

Ang bawat site-based grant ay nasa pagitan ng Php 2 Milyon at Php 6 Milyon, na may panahon ng pagpapatupad na dalawang taon at kalahati (2.5) na magsisimula sa Abril 2025.

Ang mga site-based grant sa ilalim ng Programa ay direktang susuporta sa mga NbS na nakabatay sa kasarian at komunidad upang makatulong na mabawasan ang kahinaan at palakasin ang katatagan sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa mga natukoy na lugar ng proyekto. Ang mga NbS na ito ay tutugon sa mga resulta ng VRA at GBA Plus, alinsunod sa mga buod na nasa itaas.

Ang talahanayan sa ibaba ay naglilista ng mga potensyal na NbS na maaaring tumugon sa mga prayoridad na isyu na natukoy sa pamamagitan ng VRA. Ang mga site-based grant ay ibibigay sa mga proyektong naglalayong ipatupad ang mga potensyal na NbS na ito, ngunit hindi limitado sa mga ito. Ang mga proponent ay hinihimok na magpakilala ng iba pang subok o makabagong NbS, lalo na ang mga halaw sa lokal na karanasan at kasanayan.

Natukoy na LugarPanganibBantaPotensyal na NbS
Malogo River WatershedPagbaha10/18 (55%) barangay sa loob ng Malogo Watershed ay nasa mataas na panganib mula sa banta ng pagbaha.Tinatayang 26,107 hanggang 33,891 bilang ng tao ay nasa mataas na panganib mula sa banta ng pagbahaTinatayang 7,762 hanggang 10,034 na kabahayan ay nasa mataas na panganib mula sa banta ng pagbaha.Mga inisyatibo para sa pagbabawas ng panganib dulot ng baha (hal. pagpapanumbalik ng mga nasirang kagubatan na pinangungunahan ng kababaihan, pagtatanim ng mga puno sa isang lugar na hindi dating gubat, at mga lawa na natural na imbakan ng tubig).
Pagdaragdag ng suplay ng tubig sa panahon ng sakuna (hal., pag-iipon ng tubig-ulan).
Pagpapatibay ng mga kapatagan at tabing-ilog (hal., pagmamarka ng mga lugar sa tabi ng ilog).Mga inisyatibo sa pagpapanatili ng tubig (hal., paggawa ng mga latián o wetland, kababaihang nangunguna sa pagtatayo ng mga berdeng espasyo kabilang ang mga taniman ng katutubong punong prutas at palumpong malapit sa mga kalsada sa kalunsuran).Mga inisyatibo upang muling buhayin at ayusin ang mga lumang daluyan ng ilog (hal., pag-aalis ng putik, pagtanggal ng mga hadlang o balakid sa daloy).
Pagguho ng lupa2/18 (11%) barangay sa loob ng Malogo Watershed ay nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa pagguho ng lupa sanhi ng pag-ulanTinatayang 1,706 hanggang 1,707 katao ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa pagguho ng lupa sanhi ng pag-ulanTinatayang 479 na sambahayan ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa pagguho ng lupa sanhi ng pag-ulanPagpapatibay ng mga pampang ng ilog na madaling bumagsak (hal., paggamit ng vetiver grass, pagtatanim ng mga bakawang nabubuhay sa tubig-tabang, pagpaparami ng kawayan).
Mga hakbang sa pagkontrol ng pagguho ng lupa (halimbawa, sloping agricultural land technology (SALT), contour hedgerow intercropping para sa mga buról ).
Daluyong- bagyo2/18 (11%) barangay sa loob ng Malogo Watershed ang nasa katamtaman hanggang mataas na panganib mula sa daluyong- bagyoTinatayang 22 hanggang 3,560 na tao ang may katamtaman hanggang mataas na panganib mula sa daluyong- bagyoTinatayang 6 hanggang 930 na sambahayan ang nasa katamtaman hanggang mataas na panganib mula sa daluyong- bagyoPangdepensa sa baybayin (hal., kababaihang nangunguna sa pagpapanumbalik at pangangalaga ng kabakawan, pagpapanumbalik ng mga pangharang na pulo at latián na nagpapabuti ng saribuhay).
Mga inisyatibo para sa natural na pangharang sa baybayin (hal., mga kagubatan sa dagat/baybayin, mga natural na estruktura na pangsangga sa alon).
Pagtaas ng lebel ng dagat5/18 (28%) barangay sa loob ng Malogo Watershed ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyo (kasama ang pagtaas ng lebel ng dagat)Tinatayang 8,537 hanggang 14,165 katao ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyo (kasama ang pagtaas ng lebel ng dagat)Tinatayang 2,381 hanggang 3,766 na sambahayan ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyo (kasama ang pagtaas ng lebel ng dagat)Paglilipat tungo sa mga pananim na kayang tiisin ang pagbaha o tubig-alat.
Malalakas na hangin18/18 (100%) barangay sa loob ng Malogo Watershed ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa malakas na hanginTinatayang 95,322 katao ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa malakas na hanginTinatayang 27,097 na sambahayan ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa malakas na hanginPangdepensa sa baybayin (hal., kababaihang nangunguna sa pagpapanumbalik at pangangalaga ng kabakawan na nagpapabuti ng saribuhay)  
Paglalagay ng mga natural na pangharang sa malalakas na hangin
Sicaba River WatershedPagbaha1/12 (8%) na barangay sa loob ng Sicaba Watershed ang nasa mataas na panganib ng pagbahaTinatayang 96 hanggang 130 katao ang nasa mataas na panganib mula sa pagbahaTinatayang 24 hanggang 33 na sambahayan ang nasa mataas na panganib mula sa pagbahaMga inisyatibo para sa pagpapababa ng panganib ng baha (hal. pagpapanumbalik ng mga nasirang kagubatan sa pangunguna ng kababaihan, pagtatanim ng mga puno sa isang lugar na hindi dating gubat, at mga lawa na natural na imbakan ng tubig).Mga inisyatibo sa pagpapanatili ng tubig (hal., paggawa ng mga latián o wetland, kababaihang nangunguna sa pagtatayo ng mga berdeng espasyo na may kasamang mga taniman ng mga katutubong punong prutas at palumpong sa mga gilid at gitna ng kalsada sa kalunsuran).Mga inisyatibo upang muling buhayin at ayusin ang mga lumang daluyan ng ilog (hal., pag-aalis ng putik, pagtanggal ng mga hadlang o balakid sa daloy).
Pagguho ng lupa1/12 (8%) na barangay sa loob ng Sicaba Watershed ang nasa mataas na panganib ng pagbaha sanhi ng pag-ulanTinatayang 1,722 na tao ang nasa napakataas na panganib mula sa pagbaha sanhi ng pag-ulanTinatayang 359 sambahayan ang nasa napakataas na panganib mula sa pagbaha sanhi ng pag-ulanPagbawas ng panganib ng pagguho ng lupa (e.g., pagtatanim ng mga halaman na may malalalim na ugat na may kasamang mga gawaing pang-inhinyero sibil para sa paagusan at katatagan ng dalisdis, pag-bioinhinyera ng lupa).

Mga hakbang sa pagkontrol ng pagguho ng lupa (halimbawa, sloping agricultural land technology (SALT), contour hedgerow intercropping para sa mga buról ).
Daluyong- bagyo2/12 (17%) na barangay sa loob ng Sicaba Watershed ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyoTinatayang 1,551 hanggang 2,446 katao ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyoTinatayang 458 hanggang 728 na sambahayan ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyoPangdepensa sa baybayin (hal., kababaihang nangunguna sa pagpapanumbalik at pangangalaga ng kabakawan, pagpapanumbalik ng mga pangharang na pulo at latián na nagpapabuti ng saribuhay).
Mga inisyatibo para sa natural na pangharang sa baybayin (hal., mga kagubatan sa dagat/baybayin, mga natural na estruktura na pangsangga sa alon).
Pagtaas ng lebel ng dagat2/12 (17%) na barangay sa loob ng Sicaba Watershed ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong- bagyo (kasama ang pagtaas ng lebel ng dagat)Tinatayang 1,628 hanggang 3,725 katao ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong-bagyo (kasama ang pagtaas ng lebel ng dagat)Tinatayang 478 hanggang 1,112 na sambahayan ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa daluyong-bagyo (kasama ang pagtaas ng lebel ng dagat)Paglikha/ pagpapanumbalik ng mga latián na nagpapabuti ng saribuhay at rehabilitasyon ng mga ilog upang  maging maayos ang daloy ng tubig.
Malalakas na hangin12/12 (100%) na barangay sa loob ng Malogo Watershed ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa malakas na hanginTinatayang 75,523 katao ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa malakas na hanginTinatayang 21,499 na sambahayan ang nasa mataas hanggang napakataas na panganib mula sa malakas na hanginPangdepensa sa baybayin (hal., kababaihang nangunguna sa pagpapanumbalik at pangangalaga ng kabakawan upang pagbutihin ang saribuhay) 
Paglalagay ng mga likas na pangharang sa malalakas na hangin

*batay sa mga matataong lugar sa Malogo River Watershed (18 sa 24 na target na mga Barangays) at Sicaba River Watershed (12 sa 14 na mga Barangays)

Bibigyang prayoridad ang mga panukalang NbS na nagpapalakas sa kakayahan at nagsusulong sa pamumuno ng mga kababaihan sa pagpapatupad ng proyekto at pamamahala sa kanilang mga likas na pinagkukunan. Ang mga proponent ay hinihikayat na sumangguni sa mga kahinaan at kakulangang panlipunan at pangkasarian na natukoy sa GBA Plus.  Sa buong pagpapatupad, ang mga aktibidad at inobasyon na may kaugnayan sa kasarian ay dapat ipakilala, subukan, at/o iakma upang masuportahan ang epektibong paghahatid ng mga resulta.

Kasama ng mga nabanggit na interbensyon, ang mga proposals ay maaari ring isama ang mga sumusunod o katulad na aktibidad bilang suporta sa NbS:

  • Pagbuo ng mga gender-responsive na negosyong pangkomunidad at tuloy-tuloy na kabuhayan, alinsunod sa paraan ng pagprotekta sa saribuhay;;
  • Mga aktibidad ng pagsasalehitimo at pagrerehistro ng mga organisasyon at pangkat pangkomunidad at mga indibidwal na kasapi;
  • Pangkomunidad na pagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang kabundukan at dalampasigan/karagatan (hal., pagpapatrolya, mga kagamitan at kasangkapan)
  • Mga lokal na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang sektor at pagpapalakas ng mga samahan; at/o
  • Pagpapalakas sa komunidad at kasarian na mahalaga sa proteksyon ng mga ekosistema.

Hinihikayat din ang mga proponent na lumikha ng mga proyekto na umaayon sa mga lokal/pangkomunidad na plano at balangkas, at isasaalang-alang din maging ang mga proyektong naipatupad na sa lugar.

V. Site-based Grants: Mga Maaaring Tumanggap ng Pondo

Ang site-based grants ay bukas para sa lahat ng mga kwalipikadong tagapagtaguyod o proponent na interesadong magpatupad ng mga proyekto sa mga natukoy na lugar sa Negros Occidental. Ang mga kwalipikadong entidad sa Pilipinas na maaaring tumanggap ng mga pondong ito ay kinabibilangan ng:

  • Mga non-government organizations (NGOs) na aktibo sa Pilipinas at lumalahok sa pangangalaga ng kapaligiran, kaunlaran, edukasyon, siyentipikong pananaliksik, pamamahala ng ekosistema, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at/o iba pang kaugnay na larangan. Ang NGOs ay tumutukoy sa mga non-government organizations na maayos na nakarehistro ayon sa mga batas ng Pilipinas;
  • Mga organisadong at kinikilalang community-based organizations, people’s organizations (POs), indigenous peoples’ organizations (IPOs), at/o women’s right organizations (WROs) na nagtatrabaho sa larangan ng kapaligiran at/o kaunlaran; at
  • Ibang angkop na lokal o rehiyonal na entidad na aktibo sa Pilipinas 

Maaaring maghain ng iisang proposal para sa pinagsanib na mga proyekto ng isang samahan, o ilang mga samahan na bumubuo ng isang consortium o grupo, na may pinagkasunduang layunin para sa kalalabasan ng proyekto, para suportahan ang mga conservation agreement, o batay sa lokal na plano sa kaunlaran (local development plans). 

Bibigyang-prayoridad ang mga samahan na nagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan.

Ang mga proponent ay hinihimok na magbigay ng katibayan ng suporta para sa iminungkahing proyektong NbS mula sa mga target o benepisyaryong komunidad, at maipakita ang nabuong pakikipag-ugnayan at pagtutulungan kasama ang mahahalagang lokal na yunit ng pamahalaan.

VI. Site-based Grants: Proseso ng Pag-aplay

Para makapag-aplay sa site-based grant, ang mga kwalipikadong organisasyon ay kinakailangang kumpletuhin at isumite ang mga kinakailangang dokumento na nakalista sa ibaba.

Mga Kinakailangan para sa mga Proposal o Aplikasyon ng Proyekto

Buong Proposal
Annex A: Timeframe at Budgetary Requirements
Annex B: Mga Gawain at Plano ng Badyet
Annex C: Impormasyon ng Proponent 

Ang buong proposal at iba pang mga template ay maaaring i-download mula sa Grants Portal sa Forest Foundation website, mula sa link na ito, at pwedeng i-request sa email sa pcp4nbs@forestfoundation.ph.

Ang kumpletong mga proposal ay dapat na i-upload at isumite sa Grants Portal bago o sa takdang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa December 20, 2024.

VII. Site-based Grants: Pagsuri at Pag-apruba sa Proposal 

Ang mga project proposals ay paunang susuriin upang matukoy ang kaangkupan at pagkakumpleto ng disenyo at teknikal na aspeto. Ang mga proposals na tumutugon sa mga pamantayang ito ay iaakyat sa Program Committee ng Foundation, na maghahanda at magsusumite ng mga rekomendasyon sa Board of Trustees (BOT) tungkol sa mga proposals na dapat pondohan.

Inaasahang isasama ng mga proyekto ang pagkakaugnay ng klima, saribuhay at kasarian at ihahanay ang kanilang mga iminungkahing aktibidad at awtput sa mga target na resulta at prayoridad ng Programa. Ang mga panukala ay susuriin sa isang holistikong paraan, ayon sa: (a) pangkalahatang mga pamantayan sa pagiging maayos, kakayahang maisakatuparan, at pagsunod sa Logic Model ng Programa (tingnan ang Pigura 1); (b) mga pamantayan na partikular sa NbS; at (c) iba pang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS. Ang mga proposal ay dapat tumutugon sa mga pangkalahatang pamantayan at nagpapakita na ang proyekto ay isang NbS. Samantala, ang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS ay hindi kinakailangan ngunit maaaring magpatibay ng proposal.

Kailangan matugunan ng proposal ang mga sumusunod na pangkalahatang pamantayan:

  1. Teknikal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
  2. Pinansiyal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
  3. Panlipunan na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
  4. Kakayahan ng organisasyon na isakatuparan ang proyekto;
  5. Malinaw na mga bunga at resulta na may mataas na posibilidad ng tagumpay (magagawa at matutupad sa loob ng takdang pondo at panahon); at
  6. Kahanay sa mga inaasahang resulta (output at outcome) ng Logic Model ng Programa (tingnan ang Pigura 1).

Kailangang maipakita ng proposal na ang proyekto ay isang nature-based solution, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong: 

  1. Tumutugon ba ang proyekto sa mga pangunahing isyu na natukoy sa VRA at GBA Plus?
  2. Nasosolusyunan ba ng proyekto ang mga lokal na pangangailangan sa pag-angkop sa pagbabago ng klima?
  3. May direktang ambag ba ito sa pagpapanumbalik, pamamahala, at/o pag-iingat ng mga ekosistema o serbisyo mula rito?
  4. Naglalayon ba itong tumugon sa mga hamong panlipunan, maliban sa mga isyu ng pangangalaga sa kalikasan? 
  5. Nagbibigay ba ito ng kaakibat na benepisyo para sa saribuhay?
  6. Sinusulong ba nito ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (gender equality) sa disenyo nito at sa pagsasakatuparan?

Maaaring mapalakas ang proposal kung sinasagot nito ang mga sumusunod na tanong, na nagpapakita ng mga aksyong sumusuporta sa NbS (ang mga ito ay opsyonal):

  1. Sinusuportahan ba ng proyekto ang paglikha ng mga negosyong pangkomunidad at tuloy-tuloy na kabuhayan na isinasaalang-alang ang kasarian, na nakaayon sa proteksyon ng saribuhay?
  2. Tinutulungan ba ng proyekto na patatagin ang mga organisasyon at hikayatin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor?
  3. Nakapag-aambag ba ng proyekto sa pagpapalakas ng komunidad at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lugar?
  4. Sinusuportahan ba ng proyekto ang transdisiplinaryong pagbabahagi ng kaalaman, estratehikong komunikasyon, at/o mga mekanismo at proseso ng pagkatuto upang bumuo ng kakayahan sa NbS tungo sa makabuluhang pagbabago?
  5. Nilalayon ba ng proyekto na masunod ang iba pang mga pamantayan ng NbS ayon sa IUCN Global Standard for NbS?

Ipababatid ng Foundation sa publiko ang mga napiling proyekto . Kapag naaprubahan na ang isang proposal, ang Foundation ay papasok sa isang legal na kasunduan o Special Fund Agreement kasama ang tagapagpatupad ng proyekto/grantee.

VIII. Panahon ng Paggugol

Para sa yugtong ito ng mga proposals para sa site-based grants, pakitandaan ang panahon ng paggugol sa ibaba.

Panahon ng Pagpasa at Pagsuri ng Proposal

AktibidadTentatibong Iskedyul
Unang Kahilingan para sa mga Proposal (Pagpapabatid)Nobyembre 6, 2024
Pagsasanay sa Pagbuo ng ProyektoNobyembre 7-8, 2024
Deadline para sa mga Teknikal na KatanunganDisyembre 2, 2024, 5:00 pm (PHT)
Deadline ng Pagpasa ng mga ProposalDisyembre 20, 2024, 5:00 pm (PHT)
Pagsusuri ng mga Proposal Disyembre 2024 hanggang Enero 2025
Pagpapasya ng BOT Pebrero 2025
Pagpapahayag ng mga Resulta Pebrero 2025 hanggang Marso 2025
Pagsisimula ng Pagpapatupad ng mga ProyektoAbril 2025 pataas

Magsasagawa ng isang Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto (Project Development Workshop) upang magbigay ng karagdagang impormasyon patungkol sa Program, sa saklaw ng site-based grants, ang mga klase ng proyekto na maaaring suportahan, teknikal na tulong sa proseso ng aplikasyon para pag-ibayuhin at palakasin ang proposal na posibleng mapondohan. Ang pagsasanay na ito ay bukas sa lahat ng mga kwalipikadong proponent ng proyekto sa Negros Occidental. Kung kinakailangan, maaaring magsagawa rin ng mga information sessions patungkol sa proseso ng pagbalangkas at pagsumite ng proposals.

Maaaring mag-email sa Foundation (pcp4nbs@forestfoundation.ph) kung kinakailangan ng tulong sa pagbuo ng proposal. Ang mga teknikal na katanungan, o mga tanong na may kinalaman sa pagsusuri at pag-apruba ng mga proposal sa Seksyon VII, ay tatanggapin lamang hanggang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa Disyembre 2, 2024. 

Lahat ng mga proposal ay dapat maisumite nang hindi lalampas sa 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa Disyembre 2, 2024. Ang mga proposal na matatanggap pagkatapos ng deadline ay maaaring bigyang konsiderasyon batay sa natitirang pondo, at/o isama at suriin sa ilalim ng susunod na RFP. 

IX. Kontak

Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) 

for Climate Adaptation (PCP4NbS)

Forest Foundation Philippines

1F Valderrama Bldg., 107 Esteban St., Legaspi Village

1229 Makati City, Philippines

Phone: (+63 2) 8716 4067 (PCP4NbS); (+63 2) 8891 0595; (+63 2) 8864 0287

Website | Grant Portal | Facebook Instagram | Youtube | X

Email: pcp4nbs@forestfoundation.ph