GET INVOLVED

PCP4NbS Special Fund for Nature-based Solutions: Site-based Grants for Negros Oriental (Filipino)

Deadline of Submission: April 11, 2025

Download the .pdf file

Basahin ang Negros Oriental RFP sa Cebuano / Bisaya

Basahin ang Negros Oriental RFP sa Ingles

I. Kaligiran at mga Layunin

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa buong mundo na pinakananganganib  dahil sa pagbabago ng klima. Matatagpuan sa typhoon belt at ring of fire sa Karagatang Pasipiko, ang bansa ay madaling tamaan ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, mga bagyo, tagtuyot, at pagguho ng lupa. Upang ito’y masuong at hindi matinag sa harap ng krisis sa klima, kailangang patuloy na palakasin ng Pilipinas ang kakayahan nitong maging matatag sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng isang komprehensibong pamaraan kabilang ang mga estratehiya para sa pag-iibsan at pag-aangkop sa epekto ng nagbabagong klima.

Ang pag-angkop sa pagbabago ng klima ay pangunahing kailangan upang baguhin ang takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino at maglatag ng landas patungo sa pagpapatibay ng katatagan at pagkamit ng likas kayang pag-unlad. Ang mga pagsisikap tungo sa adaptasyon ay dapat na nakabatay sa pagpapabuti ng malawakang pag-unawa sa mga epekto ng klima, pagpapalakas ng kapasidad para sa pag-angkop sa klima, pagpapatibay sa suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng mga polisiya at iba pang tulong, at pagtitiyak sa pakikilahok ng lahat sa paggawa ng desisyon, lalo na ng mga kababaihan at lokal na komunidad.

Sa konteksto ng mga hamon sa pag-unlad ng isang bansang mayaman sa saribuhay, ang Forest Foundation Philippines (“Forest Foundation” o “the Foundation”), sa tulong ng pondo mula sa Pamahalaan ng Canada, ay nagsasagawa ng Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS) (ang “Programa”). Ipatutupad ito mula 2024 – 2028 at nagkakahalaga ng CA $8 Milyon (tinatayang PhP 332 Milyon), ang programa ay nais makapag-aambag sa pagpapalakas ng katatagan ng klima sa mga komunidad, partikular sa mga kanayunan at katutubong kababaihan, habang tinitiyak ang benepisyo ng bawat isa, mula sa likas-yaman at malusog na ekosistema.

Tinukoy ng programang PCP4NbS ang Negros Oriental bilang isa sa mga prayoridad na lugar nito. Ang Negros Occidental ay bahagi ng Negros-Panay faunal region sa gitnang Pilipinas, isang prayoridad sa konserbasyon dahil sa mataas na konsentrasyon ng mga katutubong uri ng mga hayop at halaman (endemic species) at sa tindi ng mga banta na kinakaharap nito, kabilang ang mga gawain ng tao na sumisira sa kalikasan, at mga epekto ng pagbabago ng klima na nakakaapekto sa mga halaman, hayop, kababaihan, at mga komunidad.

Partikular na pinagtutuunan ng pansin ang Ocoy at Banica River Watersheds, na natukoy ng programa bilang mga target nitong lugar sa lalawigan. Titiyakin ng PCP4NbS na ang mga solusyong nakabatay sa kalikasan ay maisasagawa sa mga target na lugar at magbubunga ng mga resulta na naaayon sa Logic Model ng Programa (Tingnan ang Figure 1).

Figure 1. Logic Model ng PCP4NbS

II. Special Fund para sa NbS

Upang suportahan ang masangkot na pagbubuo (participatory development), pagpapatupad, at pagpapaibayo ng mga proyekto ng NbS para sa adaptasyon sa pagbabago ng klima,  nagtatag ng isang Special Fund sa ilalim ng programa. Layunin ng Special Fund na:

  • Palakasin ang kapasidad ng mga kababaihan at komunidad sa pagbubuo/pagdidisenyo at pagpapatupad ng NbS na may mga benepisyo para sa saribuhay;
  • Tiyakin ang pakikilahok ng mga kababaihan at komunidad sa pagtatanggol, pagpapabuti, at pagpapanumbalik ng mga ekosistema at saribuhay; at
  • Protektahan at mas mapataas ang saribuhay na nagbibigay ng iba’t ibang produkto at serbisyo mula sa ekosistema.

Ang disenyo at implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Special Fund ay alinsunod sa Results Framework ng Foundation mula 2023-2027. Kasabay nito, palalawakin ang tuloy-tuloy na pamamahala ng mga kagubatan, dalampasigan at karagatan na mga ekosistema. Tutugunan nito ang pangangailangang mapanatili ang tubig, lupa, at saribuhay, at isusulong ang mga aksyong pangklima na nakabatay sa kalikasan. Susuporta ang pondo sa mga proyektong maaaring magtatag ng mga pangmalakihang estratehiya na may malawakang partisipasyon at koordinasyon, para siguruhin na matutugunan ng Programa ang iba’t ibang pangangailangan sa lokal, habang nag-aambag din sa mga nasyonal na mithiin o target.

Susuportahan ng Special Fund ang tatlong uri ng mga grant sa buong mga taon ng Programa: (1) site-based grants para sa pagpapatupad ng NbS sa natukoy na mga lugar; (2) thematic grants para ipakita ang NbS; at (3) public support grants upang mapanatili ang suporta ng publiko para sa NbS. Ang Request for Proposals na ito ay tungkol sa mga aplikasyon para sa Site-based Grants sa Negros Oriental.

III. Site-based Grants: Saklaw ng Heograpiya at Mga Prayoridad na Isyu

Ito ay isang Request for Proposals para sa NbS sa Negros Oriental, kung saan ang mga inisyatibo ay tututok sa Ocoy at Banica River Watersheds. Ang natukoy na mga lugar ay kinabibilangan ng mga sumusunod na barangay:

Ocoy and Banica River Watersheds
Municipality of DauinBrgy. Baslay
Brgy. Boloc-boloc 
Brgy. Magsaysay
 
Dumaguete CityBrgy. Bagacay 
Brgy. Balugo 
Brgy. Bantayan 
Brgy. Batinguel 
Brgy. Bunao 
Brgy. Cadawinonan 
Brgy. Calindagan 
Brgy. Camanjac 
Brgy. Candau-ay 
Brgy. Daro 
Brgy. Junob 
Brgy. Looc 
Brgy. Motong 
Brgy. Piapi 
Poblacion No. 1 (Barangay 1) 
Poblacion No. 2 (Barangay 2)
Poblacion No. 3 (Barangay 3)
Poblacion No. 4 (Barangay 4)
Poblacion No. 5 (Barangay 5) 
Poblacion No. 6 (Barangay 6) 
Poblacion No. 7 (Barangay 7) 
Poblacion No. 8 (Barangay 8) 
Brgy. Pulantubig 
Brgy. Tabuctubig 
Brgy. Taclobo
Municipality of SibulanBrgy. Agan-an 
Brgy. Bolocboloc 
Brgy. Calabnugan 
Brgy. Cangmating 
Brgy. Enrique Villanueva 
Brgy. Looc 
Brgy. Magatas 
Brgy. Maslog 
Brgy. Poblacion 
Brgy. San Antonio
Brgy. Tubigon 
Brgy. Tubtubon 
Municipality of ValenciaBrgy. Apolong 
Brgy. Balabag East 
Brgy. Balabag West 
Brgy. Balili 
Brgy. Balugo 
Brgy. Bongbong 
Brgy. Caidiocan 
Brgy. Calayugan 
Brgy. Cambucad 
Brgy. Dobdob 
Brgy. Lunga 
Brgy. Malabo 
Brgy. Malaunay 
Brgy. Mampas 
Brgy. Palinpinon 
Brgy. Puhagan 
Brgy. Pulangbato

Upang matiyak ang pagiging epektibo at kakayahang tumugon ng Programa sa pag-aambag sa mga positibong resulta sa mga natukoy na lugar, isinagawa ang Vulnerability and Risk assessment (VRA) at Gender-Based Analysis-Plus (GBA Plus). Ang mga pagsusuring ito ay makatutulong sa Programa na makamit ang mga layunin nito kaugnay ng klima, biodiversity, at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagpapatupad ng angkop at tumutugon sa kasarian na NbS.

Ang mga resulta ng mga pagsusuri na nakabuod sa ibaba ay nagbibigay ng batayan para matukoy ang mga pangunahing isyung kailangang tugunan at ang mga interbensyong susuportahan dito.

Mga Tampok sa  Vulnerability at Risk Assessment (base sa pagsusuri ng mga panganib):

  • Para sa pagbaha (flooding), nanganganib ang mga barangay malapit sa lugar na may mababang topograpiya. Natural na sumusunod sa mga depresyon ang daloy ng tubig, kaya pinakabulnerable sa baha ang mga barangay na malapit sa ilog at sapa. Sa panahon ng matinding pag-ulan, ang tubig-baha mula sa dalawang malalaking ilog na bumubuo sa Ocoy at Banica River Watersheds ay nagtatagpo sa mga Barangay ng Palinpinon (Municipality of Valencia), Balugo (Municipality of Valencia), at Candau-ay (Dumaguete City). Mataas ang lebel ng peligro sa mga nasabing barangay dahil sa pagsasalubong ng tubig na nagdudulot ng pagbaha sa kalupaan. Umaagos ang tubig-baha patungong hilagang-kanlurang bahagi ng watershed, na pangunahing sumasaklaw sa mga barangay ng Munisipalidad ng Sibulan. Partikular na bulnerable sa pagbaha ang mga barangay sa baybayin (coast) na matatagpuan sa bungad ng watershed dahil sila ang direktang tumatanggap ng karamihan ng tubig-baha. Kabilang sa mga ito ang mga Barangay ng Poblacion, Cangmating, Maslog, at Agan-an.
  • Karamihan sa mga lugar na delikado sa pagguho ng lupa dulot ng ulan (rain-induced landslides) ay matatagpuan sa ulo o tuktok (headwater) ng watershed sa Munisipalidad ng Valencia. Sa mga lugar na ito, mataas ang lebel ng panganib mula sa pagguho ng lupa dahil sa mataas at matarik na topograpiya nito.  Bulnerable sa pagguho ng lupa ang mga tagaytay, hangganan ng lambak, at pampang ng ilog na tumatama sa mga  Barangay ng Sagbang, Palinpinon, at Balili. Ang pagguho ng lupa dulot ng malakas na ulan ay nakakaapekto rin sa Barangay San Antonio ng Munisipalidad ng Sibulan. Bulnerable ang mga barangay na ito sa pagguho ng lupa (landslide) dahil sa pabago-bagong anyo ng lupain, na nagdudulot ng mabilis na pagbabago sa taas at dalisdis.
  • Ang storm surge o pagtaas ng tubig sa baybayin dulot ng malakas na hangin ay nakakaapekto sa mabababang lupang malapit sa baybayin, at sa mga lugar malapit sa pampang ng watershed kung saan mataas ang populasyon. Ang malawak na pagbaha dulot ng storm surge ay pinakamalala sa Barangay Agan-an sa Munisipalidad ng Sibulan. Bulnerable sa storm surge ang mga natural na mababang bahagi ng tabing-dagat na walang proteksyon. Kabilang dito ang mga barangay sa tabing-dagat ng Munisipalidad ng Sibulan at Dumaguete City.
  • Inaasahang ang pagtaas ng lebel ng dagat ay magpapalala ng mga storm surge sa Ocoy at Banica River Watersheds. Maaaring maapektuhan ang lahat ng barangay sa baybayin na nasa loob ng watershed.
  • Pantay ang pagtama ng matinding bugso ng hangin sa buong watershed, subalit ang lakas nito ay nakabatay sa dalas ng pangyayari. Mapanganib ang mga bihira lang ngunit malalakas na bugso ng hangin. 

Mga Tampok sa Assessment ng Saribuhay

Karamihan sa mga naitalang species o klase ng halaman sa Ocoy at Banica Rivers Watersheds ay mga puno, habang may kakaunting halamang damo at palumpong. Sa kabuuan, mayroong 322 morpho-species, mula sa 233 genera at 105 families na natukoy. Kaugnay ng kanilang estado sa conservation, may 21 species na natukoy bilang threatened species, samantalang may dalawang (2) species na critically endangered, lima (5) na endangered, walo (8) na vulnerable, at anim (6) na kabilang sa iba pang threatened species.

Sa resulta ng fauna assessment, may natukoy na 92 species, kung saan sampung (10) species ay threatened. Kabilang dito ang tatlong (3) critically endangered  species, anim (6) na endangered species, tatlong (3) vulnerable species, at isang (1) ibang threatened species.

Bulnerable ang saribuhay sa Ocoy at Banica Rivers Watersheds sa Negros Oriental dulot ng iba’t ibang banta sa ekolohiya. Kabilang sa mga banta ang paglaganap ng dayuhan (exotic) at invasive na species at pagdomina ng early- hanggang second growth na kagubatan, na hindi lamang nagpapababa sa kalidad ng habitat kundi nagpapalala rin ng pagkabulnerable ng watersheds sa mga panganib na dulot ng pagbabago ng klima, na lalong nilalagay sa panganib ang integridad ng ekolohiya sa mga kritikal na ekosistema.

Nakabuod sa table sa baba ang resulta ng pagsusuri sa saribuhay:

Biodiversity in Ocoy and Banica Rivers WatershedVulnerability
A. Flora Species
– 322 morpho-species
– 65 Philippine Endemic species
– 173 Philippine Native species
– 43 Exotic species
– 21 threatened species (2 critically endangered, 5 endangered, 8 vulnerable, 6 other threatened species)
Presence of significant number of exotic species
Prevalence of Kaingin-farming practices
Dominance of early-secondary growth forest
B. Fauna Species
– 92 fauna species
– 43 Philippine endemic species
– 42 Philippine native species
– 7 exotic species
– 10 threatened species (3 critically endangered, 6 endangered, 3 vulnerable, 1 other threatened species)

Mga Tampok sa Gender Based Analysis Plus (GBA Plus)

  • Karahasang batay sa kasarian (gender-based violence o GBV) sa tahanan at organisasyon. Sa kabila ng paglago ng mga inisyatibang pinangungunahan ng kababaihan, nananatili pa rin ang mga patriyarkal na pamantayan at panininiwala sa Negros Oriental, na siyang patuloy na nagpapairal ng karahasan, pananakot, at pagsasantabi sa mga kababaihan sa iba’t ibang larangan. Ayon sa mga ulat, may mga naitatalang kaso ng karahasan batay sa kasarian sa loob ng tahanan, ngunit nakababahala ang madalang na pag-ulat nito dahil sa kultura ng hiya at stigma. Dagdag nito, humaharap ang kababaihang tagapagtanggol ng kalikasan sa iba’t ibang banta at panggigipit, lalo na sa mga tumututol sa mga proyektong reklamasyon at iba pang isyung pangkalikasan.
  • Ang pamumuno at pagdedesiyong pinangingibabawan ng kalalakihan ay balakid sa partisipasyon ng kababaihan sa mga lokal na organisasyon. Bagama’t ang mga kababaihan ay nagpapahayag ng interes na mapabilang sa mga lupon ng pagpapasya, nahahadlangan ang pagpapahayag ng kanilang mga isyu dulot ng mga puwang sa komunikasyon at kakulangan ng suporta. Sa ibang mga karanasan, ang pagpapahayag ng kanilang hinaing ay nauuwi sa tensiyon at minsan, pisikal na pagtatalo na pumipigil sa kanilang paglahok. Sa kabila ng mga balakid na ito, may ilang kababaihan na naging lider sa mga people’s development council, na nagpapakita ng kanilang katatagan. Samantala, pinapakita ng resulta ng PCP4NbS Knowledge, Attitudes, and Practices (KAP) Assessment na may mga hakbang upang tiyakin na lahat ng sektor ay nakokonsulta at lumalahok sa bawat yugto ng proyekto o programa. Sa kabuuan, kailangang palakasin pa ang suporta para sa mga babaeng mamumuno sa mga espasyong pinangingibabawan ng kalalakihan.
  • Karamihan sa mga grupo ng patrol at ranger ay mga kalalakihan, habang iilan lang ang kababaihang kasapi. Pinapatibay nito ang di pagkapantay-pantay ng mga kasarian sa mga inisyatiba sa pangangalaga ng kalikasan. Sa kabila ng mga pagsisikap na bumuo ng grupo ng kababaihang ranger, kakaunti lamang ang kanilang presensya, na nagiging hadlang sa pagkakaroon ng mas marami at magkakaibang perspektibo pagdating sa paraan ng pangangalaga ng kalikasan. Ang kakulangan ng pagpapatupad ng mga programang naghihikayat sa partisipasyon ng kababaihan ay hindi lamang naglilimita sa kanilang papel sa pamamahala ng likas na yaman, kundi  nagpapalawak ng kanilang eksklusyon mula sa mahahalagang gawaing pangkalikasan, sa kabila ng kahalagahan ng kanilang kaalaman at ambag sa pagpapatuloy ng gawaing pangkalikasan.
  • Hindi pagkakapantay-pantay sa pagpapatupad ng patakaran at paglalaan ng pondo.  Malaki ang papel ng kababaihan sa konserbasyon na kumikilala sa kasarian (gender-responsive conservation) at pagpapababa ng panganib sa sakuna (disaster risk reduction o DRR). Ang mga kababaihan sa mga rural na lugar ay nakasalalay sa likas-yaman para sa kanilang pamumuhay. Sila ay nangunguna sa pamamahala ng watershed, pagtatanim ng puno, at pagpapatupad ng mga gawaing DRR na nakabase sa komunidad. Pinapakita nito na inuuna nila ang kapakanan ng kanilang pamilya at pamayanan. Gayunpaman, ang mga puwang sa pagpapatupad ng polisiya at paglalaan ng pondo ay nagiging balakid sa kanilang ganap na partisipasyon, habang ang pondo para sa lokal na planong gender and development (GAD) ay hindi nagagamit. Dahil dito, nalilimitahan ang institusyonal na suporta para sa mga inisyatibang pinangungunahan ng kababaihan.  
  • Hindi pagkapantay-pantay ng mga kasarian pagdating sa isyu ng kalusugan sa komunidad. Nahaharap sa mataas na posibilidad ng sakit ang kababaihan at kabataan dulot ng kakulangan sa akses sa masustansyang pagkain, malinis na tubig, at serbisyong pangkalusugan. Ang malnutrisyon ng mga ina, stress sa tahanan, at hindi ligtas na inuming tubig ay maaring magdulot ng mga sakit tulad ng diarrhea at kolera, na higit na nakakaapekto sa mga kababaihan at kabataan. Pinapalala ang mga suliraning ito ng kalayuan ng mga komunidad mula sa pampublikong serbisyong medikal. Dahil dito kakaunti lang ang malalapitan ng mga bulnerableng grupo para sa suportang medikal, na mas nagpapabigat ng kanilang problemang pangkalusugan.
  • Kinahaharap ng rural na kababaihan ang limitadong akses sa mga yamang pangkabuhayan at teknolohiya. Umaasa ang rural na kababaihan sa mga livestock program at mga bangkong pinamumunuan ng kababaihan sa komunidad upang magkaroon ng pinansyal na kasarinlan. Subalit, ang pag-asa sa mga teknikal na eksperto ay nagdudulot ng pangamba pagdating sa pagpapatuloy ng kanilang mga inisyatiba. Sa kabila ng pondo para sa pagkalinga sa mga ina, reproductive health, at pagtugon sa sakuna, nananatiling hamon ang pagkamit nito. Sa konserbasyon, ang mga training sa pangangasiwa ng saribuhay na inklusibo sa kasarian ay binibigyang-diin ang pangangailangan para sa pantay na akses sa mga kagamitan at rekurso. Gayundin, sa mga pamayanang mangingisda, mahalaga ang papel ng kababaihan sa pangangasiwa ng pagbebenta at distribusyon ng mga produkto, bagama’t madalas na nasasawalang-bahala ito. Ang kalalakihan naman ay nangunguna sa mga gawaing pangingisda. Ang hatian sa trabaho na nakabase sa kasarian ay nagpapatingkad ng di pagkapantay-pantay sa akses sa rekurso at mga oportunidad na pang-ekonomiya. Bagkus, binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mas malaking pagkilala at suporta sa ambag ng kababaihan sa iba’t ibang industriya.

IV. Site-based Grants: Mga Angkop na Gawain

Ang bawat site-based grant ay nasa pagitan ng Php 2 Milyon at Php 6 Milyon, na may panahon ng pagpapatupad na dalawang taon (2) na magsisimula sa July 2025.

Ang mga site-based grant sa ilalim ng Programa ay direktang susuporta sa mga NbS na nakabatay sa kasarian at komunidad upang makatulong na mabawasan ang kahinaan at palakasin ang katatagan sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa mga natukoy na lugar ng proyekto. Ang mga NbS na ito ay tutugon sa mga resulta ng VRA at GBA Plus, alinsunod sa mga buod na nasa itaas.
Ang talahanayan sa ibaba ay naglilista ng mga potensyal na NbS na maaaring tumugon sa mga prayoridad na isyu na natukoy sa pamamagitan ng VRA. Ang mga site-based grant ay ibibigay sa mga proyektong naglalayong ipatupad ang mga potensyal na NbS na ito, ngunit hindi limitado sa mga ito. Ang mga proponent ay hinihimok na magpakilala ng iba pang subok o makabagong NbS, lalo na ang mga halaw sa lokal na karanasan at kasanayan.

Hazard / PanganibRisk / BantaPotential NbS
Flooding51/52 (98%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have intermediate to high risk from flood hazard 

Approximately 5,599 to 20,907 households are at intermediate to high risk from flood hazard 
Forest areas of 25/26 (96%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have intermediate to very high risk from flood hazard across all scenarios*

Agricultural areas of 28/41 (68%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to high risk from flood hazard across all scenarios

Coastal areas of 17/17 (100%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have intermediate to high risk from flood hazard across all scenarios
Flood mitigation initiatives (e.g., women-led reforestation, afforestation, natural water retention ponds, soil erosion control)

Urban greening (e.g., green spaces, green walls) 

Community-based forestry and agroforestry (e.g., alley cropping, forest farming, using flood- and salt-resistant crops)
Rain-induced Landslides18/52 (35%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to very high risk from rain-induced landslide

Approximately 1,491 to 1,586 households are at low to very high risk from rain-induced landslide

Forest areas of 23/26 (88%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have intermediate to very high risk from rain-induced landslide

Agricultural areas of 14/41 (34%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to high risk from rain-induced landslide

Coastal areas of 3/17 (18%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to intermediate risk from rain-induced landslide
Reforestation/ Afforestation (e.g., soil erosion control) of the headwaters of Ocoy and Banica Rivers, particularly in Valencia and a small portion of Dauin

Species found in the watersheds that could be used as pioneer species for reforestation/ afforestation are the:
– Balinghasai (Buchanania arborescens)
– Bitaog (Calophyllum inophyllum)
– Savidug (Terminalia catappa)
– Balanti (Homalanthus populneus)
– Ahem (Melanolepis multiglandulosa)
– Rarang (Erythrina subumbrans)
– Bani (Pongomia pinnata)
– Narra (Pterocarpus indicus forma indicus)
– Lanipga (Toona ciliata)
– Salisi (Ficus benjamina)
– Hauili (Ficus septica)
– Tuai (Bischofia javanica)

Strengthening of riverbanks that are prone to slope failure (e.g., use of vetiver grass, establishing freshwater mangrove, bamboo propagation)

Species found in the watersheds that can help in strengthening riverbanks and protect soil from erosion are the:
– Anabiong (Trema orientalis)
– Savidug (Terminalia catappa)
– Bani (Pongomia pinnata), (Aglaia elaeagnoidea)
– Tanud (Morus alba)

Community-based forestry and agroforestry (e.g., alley cropping, forest farming)
Storm Surge12/52 (23%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to intermediate risk from storm surge

Approximately 21 to 62 households are at low to intermediate risk from storm surge

Agricultural areas of 3/41 (7%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low risk from storm surge

Coastal areas of 13/17 (77%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have intermediate to high risk from storm surge
Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks

Species found in the watersheds that can sustain strong winds are the:
– Bitaog (Calophyllum inophyllum)
– Bani (Pongamia pinnata)
– Hanot (Talipariti tiliaceum)
– Danupra (Toona sureni)

Seagrass and coral reef protection and conservation
Storm surge (sea level rise)12/52 (23%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to high risk from storm surge with sea level rise

Approximately 59 to 243 households are at low to high risk from storm surge with sea level rise

Agricultural areas of 3/41 (7%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have low to intermediate risk from storm surge with sea level rise surge

Coastal areas of 13/17 (77%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have intermediate to very high risk from storm surge with sea level rise
Floating agriculture
Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks

Species found in the watersheds that can sustain strong winds are the
– Bitaog (Calophyllum inophyllum)
– Bani (Pongamia pinnata)
– Hanot (Talipariti tiliaceum)
– Danupra (Toona sureni)

Seagrass and coral reef protection and conservation
Severe Winds52/52 (100%) barangays within Ocoy and Banica Watershed have high to very high risk from severe wind

Approximately 54,087 households are at high to very high risk from severe wind

Forest areas of 26/26 (100%) barangays within Ocoy and Banica Watershed have high to very high risk across all severe wind scenarios

Agriculture areas of 41/41 (100%) barangays have intermediate to high risk across all severe wind scenarios

Coastal areas of 17/17 (100%) barangays within Ocoy and Banica Watersheds have high risk from all severe wind scenarios
Mangrove forest protection, reforestation, and windbreaks

Species found in the watersheds that can sustain strong winds are the:
– Bitaog (Calophyllum inophyllum)
– Bani (Pongamia pinnata)
– Hanot (Talipariti tiliaceum)
– Danupra (Toona sureni)

*Baseline (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 4.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP) RCP 8.5 2039 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2065 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP), RCP 8.5 2099 (5 yr, 25 yr, 100 yr RRP)

Bibigyang prayoridad ang mga panukalang NbS na nagpapalakas sa kakayahan at nagsusulong sa pamumuno ng mga kababaihan sa pagpapatupad ng proyekto at pamamahala sa kanilang mga likas na pinagkukunan. Ang mga proponent ay hinihikayat na sumangguni sa mga kahinaan at kakulangang panlipunan at pangkasarian na natukoy sa GBA Plus.  Sa buong pagpapatupad, ang mga aktibidad at inobasyon na may kaugnayan sa kasarian ay dapat ipakilala, subukan, at/o iakma upang masuportahan ang epektibong paghahatid ng mga resulta.

Kasama ng mga nabanggit na interbensyon, ang mga proposal ay maaari ring isama ang mga sumusunod o katulad na aktibidad bilang suporta sa NbS, habang binibigyang prayoridad ang NbS at sinisigurong magkaugnay ang mga gawaing ito:

  • Pagbuo at pagkakaroon ng iba’t ibang mga gender-responsive na negosyong pangkomunidad at sustainable livelihoods, at tuloy-tuloy na kabuhayan, alinsunod sa paraan ng pagprotekta sa saribuhay;
  • Mga aktibidad ng pagsasalehitimo at pagrerehistro ng mga organisasyon at grupong pangkomunidad at mga indibidwal na kasapi;
  • Pangkomunidad na pagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang kabundukan at dalampasigan/karagatan (hal., pagpapatrolya, mga kagamitan at kasangkapan);
  • Mga lokal na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang sektor at pagpapalakas ng mga samahan; at/o
  • Pagpapalakas sa komunidad at kasarian na mahalaga sa proteksyon ng mga ekosistema.

Hinihikayat din ang mga proponent na lumikha ng mga proyekto na umaayon sa mga lokal/pangkomunidad na plano at balangkas, at isasaalang-alang din maging ang mga proyektong naipatupad na sa lugar.

V. Site-based Grants: Mga Maaring Tumanggap ng Pondo

Ang site-based grants ay bukas para sa lahat ng mga kwalipikadong tagapagtaguyod o proponent na interesadong magpatupad ng mga proyekto sa mga natukoy na lugar sa Negros Occidental. Ang mga kwalipikadong entidad sa Pilipinas na maaaring tumanggap ng mga pondong ito ay kinabibilangan ng:

  • Mga non-government organizations (NGOs) na aktibo sa Pilipinas at lumalahok sa pangangalaga ng kapaligiran, kaunlaran, edukasyon, siyentipikong pananaliksik, pamamahala ng ekosistema, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at/o iba pang kaugnay na larangan. Ang NGOs ay tumutukoy sa mga non-government organizations na maayos na nakarehistro ayon sa mga batas ng Pilipinas;
  • Mga organisado at kinikilalang community-based organizations, people’s organizations (POs), indigenous peoples’ organizations (IPOs), at/o women’s rights organizations (WROs) na nagtatrabaho sa larangan ng kapaligiran at/o kaunlaran; at
  • Ibang angkop na lokal o rehiyonal na entidad na aktibo sa Pilipinas.

Maaaring maghain ng iisang proposal para sa pinagsanib na mga proyekto ang isang samahan bilang proponent, para sa ilang mga samahan na bumubuo ng isang consortium o grupo, na may pinagkasunduang layunin para sa kalalabasan ng proyekto, para suportahan ang mga conservation agreement, o batay sa lokal na plano sa kaunlaran (local development plans). 

Bibigyang-prayoridad ang mga samahan na nagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan.

Ang mga proponent ay hinihimok na magbigay ng katibayan ng suporta para sa iminungkahing proyektong NbS mula sa mga target o benepisyaryong komunidad, at maipakita ang nabuong pakikipag-ugnayan at pagtutulungan kasama ang mahahalagang lokal na yunit ng pamahalaan.

VI. Site-based Grants: Application Process

Para makapag-aplay sa site-based grant, ang mga kwalipikadong organisasyon ay kinakailangang kumpletuhin at isumite ang mga kinakailangang dokumento na nakalista sa ibaba.

Mga Kinakailangan para sa mga Proposal o Aplikasyon ng Proyekto

Full Proposal✔️
Annex A: Timeframe at Budgetary Requirements ✔️
Annex B: Activity at Budget Plan (Mga Gawain at Plano ng Badyet)✔️
Annex C: Project Monitoring and Evaluation Framework ✔️
Annex D: Proponent Information Sheet (Impormasyon ng Proponent)✔️

Ang buong proposal at iba pang mga template ay maaaring i-download mula sa Grant Portal sa Forest Foundation website, mula sa link na ito, at pwedeng i-request sa email sa pcp4nbs@forestfoundation.ph.

Ang kumpletong proposal at mga annex ay dapat na i-upload at isumite sa Grant Portal bago o sa takdang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa April 11, 2025.

VII. Site-based Grants: Pagsuri at Pag-apruba sa Proposal

Ang mga project proposals ay paunang susuriin upang matukoy ang kaangkupan at pagkakumpleto ng disenyo at teknikal na aspeto. Ang mga proposals na tumutugon sa mga pamantayang ito ay iaakyat sa Program Committee ng Foundation, na maghahanda at magsusumite ng mga rekomendasyon sa Board of Trustees (BOT) tungkol sa mga proposals na dapat pondohan.

Inaasahang isasama ng mga proyekto ang pagkakaugnay ng klima, saribuhay at kasarian at ihahanay ang kanilang mga iminungkahing aktibidad at awtput sa mga target na resulta at prayoridad ng Programa. Ang mga panukala ay susuriin sa isang holistikong paraan, ayon sa: (a) pangkalahatang mga pamantayan sa pagiging maayos, kakayahang maisakatuparan, at pagsunod sa Logic Model ng Programa (tingnan ang Pigura 1); (b) mga pamantayan na partikular sa NbS; at (c) iba pang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS. 

Ang mga proposal ay dapat tumutugon sa mga pangkalahatang pamantayan at nagpapakita na ang proyekto ay isang NbS. Samantala, ang mga pamantayan na sumusuporta sa NbS ay hindi kinakailangan ngunit maaaring magpatibay ng proposal.

Kailangan matugunan ng proposal ang mga sumusunod na pangkalahatang pamantayan:

  1. Teknikal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
  2. Pinansiyal na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
  3. Panlipunan na kawastuhan at posibilidad na maisagawa;
  4. Kakayahan ng organisasyon na isakatuparan ang proyekto;
  5. Malinaw na mga bunga at resulta na may mataas na posibilidad ng tagumpay (magagawa at matutupad sa loob ng takdang pondo at panahon); at
  6. Kahanay sa mga inaasahang resulta (output at outcome) ng Logic Model ng Programa (tingnan ang Figure 1).

Kailangang maipakita ng proposal na ang proyekto ay isang nature-based solution, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong: 

  1. Tumutugon ba ang proyekto sa mga pangunahing isyu na natukoy sa VRA at GBA Plus?
  2. Nasosolusyunan ba ng proyekto ang mga lokal na pangangailangan sa pag-angkop sa pagbabago ng klima?
  3. May direktang ambag ba ito sa pagpapanumbalik, pamamahala, at/o pag-iingat ng mga ekosistema o serbisyo mula rito?
  4. Naglalayon ba itong tumugon sa mga hamong panlipunan, maliban sa mga isyu ng pangangalaga sa kalikasan? 
  5. Nagbibigay ba ito ng kaakibat na benepisyo para sa saribuhay?
  6. Sinusulong ba nito ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (gender equality) sa disenyo nito at sa pagsasakatuparan?

Maaaring mapalakas ang proposal kung sinasagot nito ang mga sumusunod na tanong, na nagpapakita ng mga aksyong sumusuporta sa NbS (ang mga ito ay opsyonal):

  1. Sinusuportahan ba ng proyekto ang paglikha ng mga negosyong pangkomunidad at tuloy-tuloy na kabuhayan na isinasaalang-alang ang kasarian, na nakaayon sa proteksyon ng saribuhay?
  2. Tinutulungan ba ng proyekto na patatagin ang mga organisasyon at hikayatin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor?
  3. Nakapag-aambag ba ng proyekto sa pagpapalakas ng komunidad at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lugar?
  4. Sinusuportahan ba ng proyekto ang transdisiplinaryong pagbabahagi ng kaalaman, estratehikong komunikasyon, at/o mga mekanismo at proseso ng pagkatuto upang bumuo ng kakayahan sa NbS tungo sa makabuluhang pagbabago?
  5. Nilalayon ba ng proyekto na masunod ang iba pang mga pamantayan ng NbS ayon sa IUCN Global Standard for NbS?

Ipababatid ng Foundation sa publiko ang mga napiling proyekto. Kapag naaprubahan na ang isang proposal, ang Foundation ay papasok sa isang legal na kasunduan o Special Fund Agreement kasama ang tagapagpatupad ng proyekto/grantee.

VIII. Timeline

Para sa yugtong ito ng mga proposals para sa site-based grants, pakitandaan ang panahon ng paggugol sa ibaba.

Panahon (Timeline) ng Pagpasa at Pagsuri ng Proposal

GawainTentatibong Iskedyul
Request for Proposals (Pagpapabatid)March 11, 2025
Project Development Workshop (Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto)March 11–12, 2025
Deadline para sa mga Teknikal na KatanunganMarch 21, 2025 
Deadline ng Pagpasa ng ProposalApril 11, 2025
Pagsusuri ng mga Proposal April to May 2025
Pagpapasya ng BOT June 2025
Pagpapahayag ng mga Resulta June–July 2025
Pagsisimula ng Pagpapatupad ng mga ProyektoJuly 2025 onwards

Magsasagawa ng isang Pagsasanay sa Pagbuo ng Proyekto (Project Development Workshop) upang magbigay ng karagdagang impormasyon patungkol sa Program, sa saklaw ng site-based grants, ang mga klase ng proyekto na maaaring suportahan, teknikal na tulong sa proseso ng aplikasyon para pag-ibayuhin at palakasin ang proposal na posibleng mapondohan. Ang pagsasanay na ito ay bukas sa lahat ng mga kwalipikadong proponent ng proyekto sa Negros Oriental.  Kung kinakailangan, maaaring magsagawa rin ng mga information sessions patungkol sa proseso ng pagbalangkas at pagsumite ng proposals.

Maaaring mag-email sa Foundation (pcp4nbs@forestfoundation.ph) kung kinakailangan ng tulong sa pagbuo ng proposal. Ang mga teknikal na katanungan, o mga tanong na may kinalaman sa pagsusuri at pag-apruba ng mga proposal sa Seksyon VII, ay tatanggapin lamang hanggang 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa March 21, 2025. 

Lahat ng mga proposal ay dapat maisumite sa Grant Portal nang hindi lalampas sa 5:00 ng hapon (Philippine Time) sa April 11, 2025. Ang mga proposal na matatanggap pagkatapos ng deadline ay maaaring bigyang konsiderasyon batay sa natitirang pondo, at/o isama at suriin sa ilalim ng susunod na RFP. 

IX. Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions (NbS) for Climate Adaptation (PCP4NbS)

Forest Foundation Philippines

1F Valderrama Bldg., 107 Esteban St., Legaspi Village

1229 Makati City, Philippines

PCP4NbS Phone: (+63 2) 8716 4067; 

Forest Foundation Phone: (+63 2) 8891 0595; (+63 2) 8864 0287

Forest Foundation Philippines Website | PCP4NbS Website l Grant Portal

 Facebook Instagram | Youtube | X

Email: pcp4nbs@forestfoundation.ph